Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Sushilnikov

AGOSTO 31, 2022
RUSSIA

“Binigyan Ako ni Jehova ng mga Kaibigang Malalakas ang Loob”

“Binigyan Ako ni Jehova ng mga Kaibigang Malalakas ang Loob”

Malapit nang ibaba ng Kuznetsk District Court of Novokuznetsk, Kemerovo Region, ang hatol nito sa kaso ni Brother Sergey Sushilnikov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.

Time Line

  1. Nobyembre 2019

    Na-tap at nilagyan ng video surveillance ng mga imbestigador ang bahay ni Sergey

  2. Hunyo 3, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal

  3. Hunyo 8, 2021

    Hinalughog ang bahay. Si Sergey at ang asawa niya ay isinama para sa interogasyon

  4. Hulyo 15, 2021

    Isinama sa listahan ng mga terorista at hindi siya puwedeng mag-withdraw ng pera niya sa bangko

  5. Pebrero 8, 2022

    Inakusahan ng pag-oorganisa at pagpapatuloy sa gawain ng isang ekstremistang organisasyon. Pinagbawalang magbiyahe

  6. Marso 30, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Nakakapagpatibay malaman na laging maglalaan si Jehova ng tulong sa tapat niyang mga lingkod “kapag may mga problema.”—Awit 46:1.