Pumunta sa nilalaman

Larawan ng magiging hitsura ng Ramapo complex ayon sa pinakahuling impormasyon

NOBYEMBRE 11, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Proyekto ng Punong-Tanggapan sa Ramapo

Sinang-ayunan ng Town Board ang Pagbabago sa Zoning, Kaya Inaprobahan na ang Site Plan

Sinang-ayunan ng Town Board ang Pagbabago sa Zoning, Kaya Inaprobahan na ang Site Plan

Noong Nobyembre 9, 2022, sinang-ayunan ng Town Board ng Ramapo ang bagong zoning kung paano gagamitin ang property. Maaari nang mag-apply ang Construction Project Committee (CPC) para sa proyekto sa Ramapo ng special permit at approval para masimulan na ang proyekto. a

Aerial view ng bagong daan na bahagyang binago

Bukod diyan, pinalaki at bahagyang binago ng mga contractor ang pasukan papunta sa property sa Ramapo. Inayos din ng mga construction volunteer ang lumang tulay na bato malapit sa pasukan ng construction site. Kasama sa gawaing ito ang pagpapaluwang at pagpapatibay sa tulay para madaanan ito ng mga equipment sa construction, ambulansiya at trak ng bombero. Sa umpisa ng construction, sa tulay na ito dadaan ang lahat ng sasakyan.

Ang inayos na tulay na bato

Sinabi ni Brother Matthew Mordecki, na naglilingkod sa CCP: “Dahil sa pagbabagong ito sa zoning, sabay naming naipasa ang application para sa special permit at site plan approval. Puwede na naming simulan ang site clearing sa Disyembre 2022.”

Dalangin namin na patuloy na pagpalain ni Jehova ang mga kapatid na gumagawa sa proyektong ito ng pagtatayo.​—Nehemias 1:11.

a Bago ang pagbabagong ito sa zoning, ang property ay itinuturing na isang “Specialized Housing Residential District.”