Pumunta sa nilalaman

Ang Buildings of Excellence award na natanggap ng mga Saksi ni Jehova, na nakapatong sa isang model ng Ramapo complex

MARSO 28, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Proyekto ng Headquarters sa Ramapo

Tumanggap ng Award Mula sa New York State ang mga Saksi ni Jehova Dahil sa Disenyo ng mga Gusali sa Ramapo

Tumanggap ng Award Mula sa New York State ang mga Saksi ni Jehova Dahil sa Disenyo ng mga Gusali sa Ramapo

Nagbigay ang New York State Energy Research and Development Authority (NYSERDA) ng $1 milyon (U.S.) na award sa mga Saksi ni Jehova bilang bahagi ng Buildings of Excellence Competition. Ibinigay ito sa mga Saksi ni Jehova dahil environment friendly ang mga disenyo ng mga gusaling itatayo nila sa Ramapo. a Ito ang unang pagkakataon na tumanggap ng award ang isang proyekto ng pagtatayo sa Ramapo o Rockland County.

Sinabi ni Keith Cady, na naglilingkod sa Construction Project Committee: “Dinisenyo namin ang mga gusali sa Ramapo na hindi magsayang ng enerhiya o maging dahilan ng polusyon. Natutuwa kami na kinilala ng estado ang mga pagsisikap natin sa pagbibigay ng award na ito kahit hindi pa nagsisimula ang construction. Gagamitin sa proyekto ang perang tinanggap kasama ng mga boluntaryong donasyon ng mga Saksi ni Jehova.”

Ang Buildings of Excellence Competition lang ang may ganitong uri ng kompetisyon sa United States. Nagsimula ito noong Marso 2019 at nakapagbigay na ng 63 award sa mga proyekto. Ayon sa opisyal na website ng NYSERDA, ang mga proyektong tumanggap ng award ay “nakatulong sa industriya na tularan ang halimbawa nila para sa isang carbon neutral future.”

Nagpapasalamat tayo sa pagkilalang ito ng mga awtoridad at sa papuring ibinibigay nito kay Jehova.—Mateo 5:16.

a Ang official entry name natin sa kompetisyon ay “Residences at Sterlington.”