Pumunta sa nilalaman

Ang mga pasilidad ng sangay sa Britain sa Chelmsford, England. Nakapaloob na larawan: Si Brother Kenneth Cook, Jr., na nagbibigay ng pahayag sa pag-aalay

MAYO 27, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Pag-aalay ng Sangay sa Britain—Dinaluhan ng mga Bisita Mula sa Mahigit 60 Lupain

Pag-aalay ng Sangay sa Britain—Dinaluhan ng mga Bisita Mula sa Mahigit 60 Lupain

Noong Mayo 18, 2024, ibinigay ni Brother Kenneth Cook, Jr., miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang pahayag ng pag-aalay ng mga pasilidad ng sangay sa Chelmsford, England. Dinaluhan ito ng 1,518 kapatid sa apat na awditoryum ng sangay. Nandoon din ang ilang miyembro ng Lupong Tagapamahala at mga helper sa kani-kanilang komite. Napakinggan din ng 10,085 ang programa sa pamamagitan ng videoconference sa mga Assembly Hall at Bible educational center sa iba’t ibang bahagi ng Ireland at United Kingdom. Kabilang sa mga dumalo ang mahigit 3,000 sa mga 11,000 kapatid na tumulong sa pagtatayo ng sangay.

Mga kapatid sa East Pennine Assembly Hall sa Rotherham, England, na nakikinig nang mabuti sa pahayag sa pag-aalay

Kinabukasan, 172,834 ang nakapakinig sa espesyal na salig-Bibliyang programa na nakabrodkast sa 1,821 kongregasyon sa buong teritoryo ng sangay.

Isang linggo bago ang pag-aalay, nakapag-tour ang mga bisita sa mga pasilidad ng sangay. Nag-organisa rin ng mga interactive na exhibit para makita ng mga bisita kung ano ang ginagawa sa Bethel para suportahan ang gawaing pangangaral sa teritoryo ng sangay at sa buong mundo. Halimbawa, ipinakita ng Regional Video Team kung paano sila gumagawa ng salig-Bibliyang pelikula. Inimbitahan din ang mga nagtu-tour na manood ng shooting.

Kaliwa: Isang sister na naghahanda ng meryenda. Kanan: Ipinapakita ng Regional Video Team kung paano ginagawa ang mga pelikula ng organisasyon

Tinitingnan ng mga kapatid ang Cyrus Cylinder habang nagtu-tour sa British Museum sa London, England

Bukod sa mga activity na ito, may iba pang mga tour sa labas ng Bethel. Kasama rito ang pagpunta ng mga kapatid sa makasaysayang mga lugar sa lunsod ng London at sa county of Kent para matuto pa tungkol sa kasaysayan ng Bibliya sa England.

Sinabi ni Brother Richard Cook, miyembro ng Britain Branch Committee, tungkol sa masayang linggong iyon: “Kahanga-hangang makita ang internasyonal na kapatiran na sama-sama sa napakaespesyal na okasyong ito. Hangang-hanga kaming makita kung paano inalis ni Jehova ang mga hadlang para maorganisa ang masayang okasyong ito ng pag-aalay ng sangay na lumuluwalhati sa pangalan ni Jehova.”

‘Talagang nakikisaya’ tayo sa mga kapatid natin sa teritoryo ng sangay sa Britain dahil naialay na ang magagandang pasilidad ng sangay na ito sa Diyos na Jehova.—Nehemias 12:43.