Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Yuriy Gerashchenko at ang asawa niyang si Irina. Kanan: Si Brother Sergey Parfenovich at ang asawa niyang si Marina

ENERO 9, 2024 | UPDATED: OKTUBRE 7, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Determinadong Magtiwala kay Jehova

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Determinadong Magtiwala kay Jehova

Noong Oktubre 3, 2024, binago ng Supreme Court of the Republic of Crimea ang hatol kina Brother Yuriy Gerashchenko at Sergey Parfenovich. Ginawang anim-na-taóng pagkabilanggo ang anim-na-taóng suspended sentence na hatol sa kanila. Agad silang ibinilanggo pagkagaling sa korte.

Noong Hulyo 1, 2024, hinatulan ng Krasnogvardeyskiy District Court of the Republic of Crimea sina Brother Yuriy Gerashchenko at Sergey Parfenovich. Binigyan sila ng anim-na-taong suspended prison sentence. Hindi pa sila makukulong sa ngayon.

Profile

Alam nating patuloy na palalakasin ni Jehova sina Yuriy at Sergey, pati na ang lahat ng nananatiling tapat habang ‘itinatago niya sila sa lilim ng kaniyang mga pakpak.’—Awit 17:7, 8.

Time Line

  1. Setyembre 19, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal si Sergey

  2. Setyembre 28, 2022

    Kasama sa walong bahay na hinalughog ng mga pulis na FSB ang bahay ni Sergey, at inilagay siya sa temporary holding facility

  3. Setyembre 30, 2022

    Dinala si Sergey sa isang pretrial detention center

  4. Nobyembre 15, 2022

    Pinalaya si Sergey mula sa pretrial detention center at inilagay sa house arrest

  5. Marso 22, 2023

    Sinampahan ng kasong kriminal si Yuriy. Inaresto siya, pinagtatanong, at inilagay sa temporary detention center

  6. Marso 24, 2023

    Pinalaya si Yuriy at inilagay sa house arrest

  7. Hulyo 12, 2023

    Pinalaya sina Sergey at Yuriy mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  8. Hulyo 28, 2023

    Nagsimula ang paglilitis. Inakusahan ng prosecutor sina Sergey at Yuriy na patuloy na “nagsasagawa ng kriminal na mga gawain at nagbabanta sa mga saksi.” Kahit walang sapat na ebidensiya, pareho silang inilagay ng hukom sa house arrest sa ikalawang pagkakataon