Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sai Asher na nagbibigay ng pahayag sa Memoryal

ABRIL 21, 2021
MYANMAR

2021 Memoryal—Myanmar

Sa Kabila ng Kaguluhan sa Bansa, Napakinggan ang Pahayag sa Memoryal Gamit ang Telepono

2021 Memoryal—Myanmar

Mula noong Pebrero 2021, nagkaroon ng mga kaguluhan sa Myanmar. Mga ilang linggo bago ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo, naglabanan ang mga tao sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kaya marami sa 5,102 mamamahayag ang hindi makagamit ng Internet. Dahil diyan, ginamit ng mga kapatid ang telepono para mapakinggan ang pahayag sa Memoryal.

Sa isang lunsod, nagbabarilan sa kalye ang mga tao noong araw ng Memoryal. Hinanap ng mga sundalo sa mga bahay ang mga nagpoprotesta. Napatibay ang mga kapatid sa taunang teksto sa Isaias 30:15 na ‘manatiling panatag at magtiwala kay Jehova.’ Nanatili sila sa kanilang mga tahanan, nagsalita nang mahina, gumamit ng mahinang ilaw, at ipinagdiwang ang Memoryal. Sa kabila ng kaguluhan, naitala ng kongregasyong iyon ang pinakamataas na attendance nila sa Memoryal. Marami ang nakinig sa pamamagitan ng telepono.

Sa buong bansa, 11,877 katao ang nagdiwang ng Memoryal—halos 14 na porsiyento na mas mataas ito kaysa noong 2019.

Pinapanood ng dalawang sister na may access sa Internet ang pahayag sa Memoryal sa kanilang gadyet. Gumamit sila ng speaker para marinig ito ng iba sa telepono

Nagtitiwala tayo na natutuwa ang ating Ama sa langit, ang Diyos na Jehova, na makita ang determinasyon ng ating mga kapatid na patuloy na sumasamba sa kaniya sa kabila ng mga kaguluhan.—Kawikaan 27:11.