ABRIL 23, 2024 | UPDATED: OKTUBRE 25, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Isang Karangalang Paglingkuran si Jehova
Noong Oktubre 25, 2024, hinatulan ng Pervomayskiy District Court of Izhevsk ng Udmurtian Republic sina Brother Yevgeniy Stefanidin at Aleksandr Votyakov. Binigyan ng anim-na-taóng suspended prison sentence si Yevgeniy, at anim na taon at anim na buwan naman si Aleksandr. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Gaya nina Aleksandr at Yevgeniy, itinuturing din nating isang malaking pribilehiyo na ‘gumawa ng sagradong paglilingkod kay Jehova nang walang takot.’—Lucas 1:74, 75.
Time Line
Abril 14, 2021
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Yevgeniy
Disyembre 13, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal sina Aleksandr at Yevgeniy
Disyembre 14, 2022
Hinalughog ng mga pulis ang bahay nina Aleksandr at Yevgeniy. Dinala si Aleksandr sa isang temporary detention facility. Pinagbawalan si Yevgeniy na umalis ng kanilang lugar
Disyembre 15, 2022
Pinalaya si Aleksandr mula sa temporary detention facility at inilagay sa house arrest
Hunyo 9, 2023
Pinalaya si Aleksandr mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Agosto 17, 2023
Nagsimula ang paglilitis