ENERO 24, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 29, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Pinagpapala Sina Brother Aleksandr Polozov at Stepan Shevelev sa Kabila ng Pag-uusig
Noong Disyembre 29, 2023, hinatulan ng Norilsk City Court of the Krasnoyarsk Territory sina Brother Aleksandr Polozov at Stepan Shevelev. Nakatanggap sila nang anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.
Time Line
Oktubre 20, 2019
Pinalibutan ng mga pulis ang isang campsite sa lunsod ng Norilsk. Mahigit 50 Saksi ang idinitine
Oktubre 26, 2019
Inaresto si Aleksandr at ikinulong sa pretrial detention center
Enero 21, 2020
Pinalaya si Aleksandr matapos makulong nang halos tatlong buwan
Pebrero 19, 2020
Si Aleksandr ay inilagay sa listahan ng mga ekstremista at hindi niya puwedeng gamitin ang pera niya sa bangko
Mayo 6, 2021
Inakusahan si Stepan ng pakikipagsabuwatan kay Aleksandr. Kasama sa “mga krimen” na nagawa niya ay pananalangin at pangangaral
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na tutulungan ni Jehova ang mahal nating mga kapatid na tapat at ‘patuloy pa rin sa paghabol’ sa katuwiran sa kabila ng pag-uusig.—Hukom 8:4.