ENERO 24, 2022 | UPDATED: PEBRERO 16, 2024
RUSSIA
UPDATE: NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Dalawang Sister na Maysakit, Natiis ang Anim-na-Buwang Pagkakakulong sa Tulong ni Jehova
Noong Pebrero 14, 2024, hinatulan ng Promyshlenniy District Court of Smolensk sina Sister Tatyana Galkevich at Valentina Vladimirova. Pareho silang sinentensiyahan ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Mayo 14, 2019
Sinimulan ng gobyerno ang kriminal na imbestigasyon laban kina Tatyana at Valentina. Hinalughog ng mga pulis ang mga apartment ng dalawang sister, idinitine, at pinagtatanong nang mahigit 48 oras. Kahit parehong may malalang sakit, ikinulong sila sa pretrial detention center
Nobyembre 22, 2019
Pagkatapos ng mahigit anim na buwan, pinalaya sa kulungan sina Tatyana at Valentina pero hindi pinayagang umalis sa kanilang bahay
Disyembre 31, 2019
Dinala si Valentina sa ospital dahil lumala ang sakit niya
Agosto 6, 2020
Makalipas ang mga walong buwan, puwede nang lumabas si Tatyana sa kaniyang bahay pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar. Hindi puwedeng umalis ng bahay si Valentina, puwede lang niyang makausap ang isang malapít na kamag-anak at isang abogado
Oktubre 2, 2020
Inakusahan ng gobyerno sina Tatyana at Valentina sa isang 400-pahinang dokumento. Inakusahan nito ang mga sister ng pakikipagsabuwatan para “ilihim ang gawain ng isang ekstremistang organisasyon”
Oktubre 14, 2020
Sa panimulang pagdinig, iniutos ng isang hukom na ibalik ang kaso sa prosecutor’s office para sa higit pang imbestigasyon dahil may mga ebidensiyang hindi puwedeng gamitin sa korte. Kahit na hindi puwedeng makapunta si Valentina sa pagdinig dahil sa kaniyang sakit, hindi siya pinapayagan ng korte na lumabas ng kaniyang bahay
Pebrero 25, 2021
Kinansela ng korte para sa apela ang desisyon na ibalik ang kaso sa prosecutor’s office, para masimulan ang paglilitis
Profile
Dalangin natin na patuloy na maging ‘lakas at kalasag’ si Jehova para kay Valentina at Tatyana, at sa lahat ng ating kapatid na pinag-uusig sa Russia at Crimea.—Awit 28:7.