Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
Ito ba ay . . .
-
pilosopiya ng tao?
-
aklat ng mga alamat at kathang-isip?
-
Salita ng Diyos?
ANG SABI NG BIBLIYA
“Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos.”—2 Timoteo 3:16, Bagong Sanlibutang Salin.
ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?
Masasagot ang mga katanungan mo sa buhay.—Kawikaan 2:1-5.
Magagabayan ka sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.—Awit 119:105.
Makakaasa ka sa isang magandang kinabukasan.—Roma 15:4.
MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?
Oo, sa tatlong dahilan:
-
Magkakatugma ang nilalaman. Ang Bibliya ay isinulat ng mga 40 lalaki sa loob ng mahigit 1,600 taon. Hindi magkakakilala ang karamihan sa mga lalaking iyon. Pero ang lahat ng nakasulat sa Bibliya ay magkakatugma at lumuluwalhati sa pangalan at pamamahala ng Diyos!
-
Tapat. Kadalasan nang hindi binabanggit ng mga istoryador ang pagkatalo at kahinaan ng sarili nilang bayan. Pero isinulat ng mga manunulat ng Bibliya ang kanila mismong mga pagkakamali pati na ang sa bansa nila.—2 Cronica 36:15, 16; Awit 51:1-4.
-
Maaasahan ang mga hula. Inihula ng Bibliya ang pagbagsak ng sinaunang lunsod ng Babilonya mga 200 taon patiuna. (Isaias 13:17-22) Sinabi nito kung paano babagsak ang Babilonya pati na ang mismong pangalan ng magpapabagsak dito!—Isaias 45:1-3.
Marami pang ibang hula sa Bibliya ang natupad hanggang sa kaliit-liitang detalye. Hindi ba’t iyan naman talaga ang dapat nating asahan sa Salita ng Diyos?—2 Pedro 1:21.
PAG-ISIPAN ITO
Paano mababago ng Salita ng Diyos ang buhay mo?
Sinasagot iyan ng Bibliya sa ISAIAS 48:17, 18 at 2 TIMOTEO 3:16, 17.