Pumunta sa nilalaman

Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?

Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?

Sasabihin mo bang . . .

  • pagmamahalan?

  • pera?

  • iba pa?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Maligaya ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:28, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Matatagpuan mo ang tunay na pagmamahal.—Efeso 5:28, 29.

Taimtim kang igagalang.—Efeso 5:33.

Magiging totoong panatag ka.—Marcos 10:6-9.

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Ang Diyos ang Tagapagpasimula ng buhay pampamilya. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos na Jehova ang “pinagmulan ng pangalan ng bawat pamilya.” (Efeso 3:14, 15) Sa ibang salita, nagkaroon ng pamilya dahil kay Jehova. Bakit mahalagang malaman iyan?

    Isipin ito: Kung nasarapan ka sa isang ulam at gusto mong malaman ang mga rekado nito, sino ang tatanungin mo? Hindi ba’t ang nagluto nito?

    Sa katulad na paraan, kung gusto nating malaman ang mga “rekado” para sa maligayang pamilya, alamin natin ito mula kay Jehova, ang Tagapagpasimula ng pamilya.—Genesis 2:18-24.

  • Nagmamalasakit sa inyo ang Diyos. Makatutulong sa pamilya ang pagsunod sa payo ni Jehova na nasa kaniyang Salita. Bakit? Dahil “nagmamalasakit siya sa inyo.” (1 Pedro 5:6, 7) Kapakanan ninyo ang iniisip ni Jehova—at ang mga payo niya ay laging tama!—Kawikaan 3:5, 6; Isaias 48:17, 18.

PAG-ISIPAN ITO

Paano ka magiging isang mabuting asawa o magulang?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa EFESO 5:1, 2 at COLOSAS 3:18-21.