Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya
Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya
May mga taong nagsasabi na ang Bibliya ay di-mapaniniwalaan, at marami ang naniniwala sa kanila. Kaya marami sa ngayon ang may paniwala na ang sinasabi ng Bibliya ay di-mapagtitiwalaan.
Sa kabilang dako, ang sinabi ni Jesu-Kristo nang nananalangin siya sa Diyos ay mapagtitiwalaan: “Ang salita mo ay katotohanan.” At ang Bibliya mismo ay nag-aangkin na kinasihan ng Diyos.—Juan 17:17; 2 Timoteo 3:16.
Ano ba ang palagay mo tungkol dito? May matatag na saligan ba ang pagtitiwala sa Bibliya? O talaga bang may ebidensiya na ang Bibliya ay di-mapaniniwalaan, na ito ay salungat sa sarili at di-tugma-tugma?
Ito ba ay Salungat sa Sarili?
Bagama’t sinasabi ng iba na ang Bibliya ay sumasalungat sa sarili, mayroon bang sinoman na nagpakita sa iyo ng isang aktuwal na halimbawa nito? Wala kaming nakitang isa man na tatayo pagka sinuring maingat. Totoo, baka mukhang mayroong mga di-pagkakatugma sa mga ilang pag-uulat ng Bibliya. Subalit ang problema ay kadalasan kakulangan ng kaalaman tungkol sa mga detalye at sa mga kalagayan ng panahong lumipas.
Halimbawa, itatawag-pansin ng ilang mga tao ang ipinagpapalagay nilang isang di-pagkakatugma na nasa Bibliya, at magtatanong: ‘Saan kinuha ni Cain ang kaniyang asawa?’ May palagay sila na si Cain at si Abel ang tanging mga anak nina Adan at Eba. Subalit ang palagay na iyan ay nakasalig sa isang maling pagkaunawa sa sinasabi ng Bibliya. Ipinaliliwanag ng Bibliya na si Adan ay “nagkaanak ng mga lalaki at mga babae.” (Genesis 5:4) Samakatuwid ay naging asawa ni Cain ang isa sa kaniyang mga kapatid na babae o posible na isang pamangking babae.
Mateo 8:5, 6; Lucas 7:2, 3) Subalit ito ba ay talagang isang pagkakasalungatan?
Kadalasan ang hinahanap lamang ng mga kritiko ay mga pagkakasalungatan kaya marahil ay sasabihin nila: ‘Sinasabi ng manunulat ng Bibliya na si Mateo na isang opisyal ng hukbo ang lumapit kay Jesus upang humingi ng pabor, samantalang sinasabi naman ni Lucas na mga kinatawan ang sinugo upang makiusap. Alin ba ang tama?’ (Pagka ang kredito para sa isang aktibidad o gawa ng mga tao ay ibinigay sa isang aktuwal na nagpagawa niyaon, hindi sasabihin ng isang taong makatuwiran na iyon ay isang di-pagkakatugma. Halimbawa, sasabihin mo bang isang pagkakamali ang isang ulat na nagsasabing isang meyor ang gumawa ng isang kalye kahit na ang aktuwal na gumawa niyaon ay ang kaniyang mga inhinyero at mga obrero? Siyempre hindi! Gayundin naman, matuwid na sabihin ni Mateo na ang opisyal ng hukbo ang nakiusap kay Jesus ngunit, ayon sa isinulat ni Lucas, ang gayong pakiusap ay ginawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kinatawan.
Habang higit pang mga detalye ang napapag-alamán, ang waring mga di-pagkakatugma sa Bibliya ay napapawi.
Ang Kasaysayan at ang Siyensiya
Noong una ang makasaysayang kawastuan ng Bibliya ay pinagdududahan. Halimbawa, kinukuwestiyon ng mga kritiko ang pag-iral ng mga karakter sa Bibliya na gaya ni Haring Sargon ng Asiria, ni Belsasar ng Babilonya, at ng gobernador Romanong si Poncio Pilato. Subalit kamakailan pinatotohanan ng mga natuklasan ang mga ulat ng Bibliya. Sa gayo’y sumulat ang historyador na si Moshe Pearlman: “Biglang-bigla, ang mga mapag-alinlangan na nagduda sa pagiging totoo kahit na ng makasaysayang mga bahagi ng Matandang Tipan ay nagsimula na baguhin ang kanilang mga paniwala.”
Para tayo’y magtiwala sa Bibliya, kailangan din na iyon ay wasto kung tungkol sa siyensiya. Ganoon nga ba ito? Hindi pa gaanong natatagalan, ang mga siyentipiko, salungat sa patotoo ng Bibliya, ay nagsabi na wala raw pasimula ang sansinukob. Gayunman, ang astronomong si Robert Genesis 1:1.
Jastrow ay nagpahayag kamakailan ng mas bagong impormasyon na nagpapabulaan dito, at nagpapaliwanag: “Ngayon ay nakikita natin kung paano ang ebidensiya ng astronomiya ay humahantong sa isang kasuwato-ng-Bibliya na paniwala tungkol sa pinagmulan ng sanlibutan. Ang mga detalye ay nagkakaiba-iba, subalit ang mga mahalagang elemento sa astronomikal at biblikal na pag-uulat ng Genesis ay pare-pareho.”—Binago rin ng mga tao ang kanilang mga paniwala tungkol sa korte ng mundo. “Ang mga biyahe ng panunuklas,” ayon sa paliwanag ng The World Book Encyclopedia, “ay nagpapakita na bilog ang sanlibutan, hindi patag gaya ng dating paniwala ng karamihan ng tao.” Subalit sa tuwina ay tama ang sinasabi ng Bibliya! Mahigit na 2,000 mga taon bago maganap ang mga biyaheng ito, sinabi na ng Bibliya sa Isaias 40:22: “Mayroong Isa na tumatahan sa ibabaw ng bilog ng lupa,” o gaya ng pagkasalin ng mga iba na, “ang globo ng lupa” (Douay), “ang bilóg na lupa.” (Moffatt)
Samakatuwid mientras natututo ang mga tao, lalong dumarami ang ebidensiya na ang Bibliya ay mapagtitiwalaan. Isang dating direktor ng British Museum, si Sir Frederic Kenyon, ang sumulat: “Ang mga resultang nakamit na ay nagpapatunay sa ipinahihiwatig ng pananampalataya, na walang magagawa ang Bibliya kundi makinabang buhat sa paglago ng kaalaman.”
Paghula sa Hinaharap
Subalit talaga bang mapagtitiwalaan natin ang mga hula 2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:3, 4) Bueno, ano ba ang rekord ng Bibliya sa pagiging mapanghahawakan tungkol sa nakaraan? Paulit-ulit na ang mga hula na sinalita daan-daang taon na patiuna ay natupad hanggang sa kahuli-hulihang detalye!
ng Bibliya para sa hinaharap, kasali na ang mga pangako tungkol sa isang ‘matuwid na bagong langit at bagong lupa’? (Halimbawa, inihula ng Bibliya ang pagbagsak ng makapangyarihang Babilonya halos 200 taon bago iyon nangyari. Ang totoo, ang mga Medo, na sumanib sa mga Persiyano, ay binanggit bilang mga mananakop. At bagaman si Ciro, na haring Persiyano, ay hindi pa ipinanganganak noon, inihula ng Bibliya na siya’y mapapatanyag sa pananakop na iyon. Binanggit na ang ilog na nagsisilbing proteksiyon sa Babilonya, ang ilog ng Eufrates, “ay matutuyo,” at “ang mga pintuang bayan [ng Babilonya] ay hindi masasara.”—Jeremias 50:38; Isaias 13:17-19; 44:27–45:1.
Ang espisipikong mga detalyeng ito ay natupad, gaya ng iniulat ng historyador na si Herodotus. Isa pa, inihula ng Bibliya na ang Babilonya balang araw ay magiging kagibaan na walang tumatahan. At ganiyang-ganiyan nga ang nangyari. Sa ngayon ang Babilonya ay giba-gibang bunton ng mga bato. (Isaias 13:20-22; Jeremias 51:37, 41-43) At ang Bibliya ay punô ng iba pang mga hula na nagkaroon ng dramatikong katuparan.
Ano kung gayon ang inihula ng Bibliya tungkol sa kasalukuyang sistema ng mga bagay sa daigdig? Sinasabi niyaon: “Ang pangwakas na panahon ng sanlibutang ito ay magiging isang panahon ng kabagabagan. Ang mga tao ay walang iibigin kundi salapi at sarili; sila’y magiging arogante, mayayabang, at mapang-abuso; walang paggalang sa mga magulang, walang utang-na-loob, walang kabanalan, walang likas na pagmamahal . . . Sila’y mga tao na kalayawan ang inuuna sa halip na ang Diyos, mga tao na panlabas na anyo ng relihiyon ang pinaiiral, ngunit matinding nagtatatwa sa katunayan niyaon.”—2 Timoteo 3:1-5, The New English Bible.
Tiyak, nasasaksihan natin ang katuparan nito ngayon! Subalit inihula rin ng Bibliya para sa “pangwakas na panahon ng sanlibutang ito” ang mga bagay na ito: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain.” Isa pa, “magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t-ibang dako ay mga salot.”—Tunay, ang mga hula ng Bibliya ay natutupad sa ngayon! Bueno, kung gayon, komusta naman ang mga pangako na sa hinaharap pa matutupad, gaya ng: “Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman,” at, “Papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod . . . , ni mangag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma”?—Awit 37:29; Isaias 2:4.
‘Napakainam iyan upang magkatotoo,’ marahil ay sasabihin ng iba. Subalit ang totoo, wala tayong dahilan upang mag-alinlangan sa anoman na ipinangako ng ating Maylikha. Ang kaniyang Salita ay mapagtitiwalaan! (Tito 1:2) Sa higit pang pagsusuri ng ebidensiya, lalo kang makukumbinse nito.
Maliban sa kung iba ang ipinakikita, lahat ng mga sinipi sa Bibliya ay kuha sa New World Translation of the Holy Scriptures.
[Blurb sa pahina 4]
“Ang mga resultang nakamit na ay nagpapatunay sa ipinahihiwatig ng pananampalataya, na walang magagawa ang Bibliya kundi makinabang sa paglago ng kaalaman”