Lahat ng Pagdurusa Malapit Nang Magwakas!
Lahat ng Pagdurusa Malapit Nang Magwakas!
Minsan sa iyong buhay, malamang na naitanong mo, ‘Bakit labis-labis ang pagdurusa?’ Sa nakalipas na libu-libong taon, ang pamilya ng tao ay labis na nagdusa dahil sa mga digmaan, kahirapan, sakuna, krimen, kawalang-katarungan, sakit, at kamatayan. Sa nakalipas na sandaang taon, naranasan ng mga tao ang mas maraming pagdurusa higit kailanman. Magwawakas pa kaya ang lahat ng ito?
Ang nakaaaliw na sagot ay oo, at napakalapit na nitong maganap! Ganito ang sabi ng Salita ng Diyos, ang Bibliya: “Ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” Nang gaano katagal? “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—Awit 37:10, 11, 29.
Pagkatapos alisin ng Diyos ang kabalakyutan at pagdurusa, ang lupa ay babaguhin tungo sa isang paraiso. Sa gayo’y mabubuhay magpakailanman ang mga tao sa sakdal na kalusugan at kaligayahan. Inihula ng Salita ng Diyos: “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:4.
Sa bagong sanlibutang iyan, maging ang mga patay ay bubuhaying muli upang tamasahin din nila ang mga pagpapalang iyon: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Iyan ang dahilan kung kaya nasabi ni Jesu-Kristo sa isang nagsising manggagawa ng kasamaan na nagpahayag ng pananampalataya sa kaniya: “Makakasama kita sa Paraiso.”—Lucas 23:43.
Bakit Nagkaroon ng Pagdurusa?
Yamang nilayon ng Diyos na magkaroon ng lubhang kamangha-manghang kinabukasan ang mga tao, bakit kaya niya pinahintulutang magkaroon ng pagdurusa? Bakit niya ito pinahintulutan nang napakatagal?
Nang lalangin ng Diyos sina Adan at Eva, ginawa Niyang sakdal ang kanilang katawan at isip. Inilagay niya sila sa isang paraisong hardin at binigyan sila ng kasiya-siyang gawain. Sinasabi ng Bibliya: “Nakita ng Diyos ang bawat bagay na ginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.” (Genesis 1:31) Kung sinunod lamang nila ang Diyos, nagkaroon sana sila ng sakdal na mga anak, naging isang pangglobong paraiso sana ang lupa, kung saan ang mga tao ay mabubuhay magpakailanman sa kapayapaan at kaligayahan.
Inilagay ng Diyos kina Adan at Eva ang kamangha-manghang regalo na kalayaang magpasiya bilang bahagi ng kayarian ng tao. Hindi sila parang walang-isip na mga robot. Gayunman, magpapatuloy ang kanilang kaligayahan kung gagamitin nila ang kanilang kalayaang magpasiya sa tamang paraan—upang sundin ang mga kautusan ng Diyos. Sinabi ng Diyos: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.” (Isaias 48:17) Ang maling paggamit ng kalayaang magpasiya ay magdudulot ng kasakunaan, yamang hindi nilalang ang mga tao upang magtagumpay nang hiwalay sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Nakalulungkot, nadama ng ating unang mga magulang na maaari silang maging hiwalay sa Diyos at kasabay nito ay maging matagumpay pa rin. Ngunit nang tanggihan nila ang pamamahala ng Diyos, hindi na niya sila pinanatili sa kanilang sakdal na kalagayan. Kaya nagsimula silang Roma 5:12.
humina hanggang nang dakong huli ay tumanda sila at namatay. Alinsunod sa mga batas ng henetika, namana natin ang di-kasakdalan at kamatayan.—Ang Pangunahing Isyu—Soberanya
Bakit hindi pinuksa ng Diyos sina Adan at Eva at lumalang muli ng panibagong mag-asawang tao? Sapagkat hinamon ang pansansinukob na soberanya ng Diyos, samakatuwid nga, ang kaniyang karapatang mamahala. Ang tanong ay, Sino ang may karapatang mamahala, at kaninong pamamahala ang wasto? Dahil sa mga nabanggit, Mas makabubuti ba sa mga tao kung hindi sila pamamahalaan ng Diyos? Sa pagbibigay sa kanila ng sapat na panahon na mag-eksperimento taglay ang ganap na kalayaan, lubusang mapatutunayan ng Diyos kung mas mapabubuti ba sila sa ilalim ng kaniyang pamamahala o sa kanilang sariling pamamahala. Dapat na sapat ang haba ng panahong ipinahintulot upang masubukan ng mga tao ang lahat ng uri ng pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan, at relihiyosong sistema na hiwalay sa patnubay ng Diyos.
Ano ang naging resulta? Ipinakikita sa atin ng libu-libong taon ng kasaysayan ng tao na lalong tumindi ang pagdurusa. Sa nakalipas na siglo, naranasan ng pamilya ng tao ang pinakamalubhang pagdurusa kailanman. Milyun-milyon ang pinatay noong Digmaang Pandaigdig II. Mahigit na 100 milyon ang pinatay sa mga digmaan. Laganap ang krimen at karahasan. Palasak ang pag-abuso sa droga. Patuloy na kumakalat ang mga sakit na naililipat sa pagtatalik. Sampu-sampung milyon ang namamatay sa gutom at sakit taun-taon. Gumuguho ang buhay pampamilya at mga pamantayang moral sa lahat ng dako. Walang solusyon sa mga problemang ito ang anumang gobyerno ng tao. Walang sinuman sa mga ito ang nakapag-alis ng pagtanda, sakit, at kamatayan.
Ang kalagayan ng tao ay kagaya ng inihula ng Bibliya para sa ating panahon. Isinisiwalat ng Salita ng Diyos ang 2 Timoteo 3:1-5, 13.
ating panahon bilang “mga huling araw” ng sistemang ito ng mga bagay kung kailan “darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” At gaya ng sinabi ng Bibliya, “ang mga taong balakyot at mga impostor ay magpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama.”—Malapit Nang Magwakas ang Pagdurusa
Ipinakikita ng lahat ng patotoo na nalalapit na tayo sa wakas ng kapaha-pahamak na pag-eeksperimento ng tao na maging hiwalay sa Diyos. Maliwanag nang naipakita na ang pamamahala ng mga tao na hiwalay sa Diyos ay hindi kailanman magtatagumpay. Tanging ang pamamahala ng Diyos ang makapagdadala ng kapayapaan, kaligayahan, sakdal na kalusugan, at buhay na walang hanggan. Kaya ang pagpapahintulot ni Jehova sa kasamaan at pagdurusa ay malapit nang magwakas. Di-magtatagal, makikialam na ang Diyos sa mga gawain ng tao sa pamamagitan ng pagpuksa sa buong di-kasiya-siyang sistemang ito ng mga bagay.
Sinasabi ng hula ng Bibliya: “Sa mga araw ng mga haring iyon [mga pamamahala ng tao na umiiral ngayon] ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian [sa langit] na hindi magigiba kailanman. . . . Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito [kasalukuyang mga pamamahala], at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” (Daniel 2:44) Ang pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova, ang kaniyang karapatang mamahala, sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na Kaharian ang pangunahing turo ng Bibliya. Nang ihula ni Jesus ang isang mahalagang bahagi ng tanda ng “mga huling araw,” sinabi niya: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Mateo 24:14.
Kawikaan 2:21, 22) Ang mga matuwid ay yaong mga nag-aaral ng kalooban ni Jehova at gumagawa nito. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, “ang sanlibutan ay lumilipas . . . , ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.”—1 Juan 2:17.
Kapag dumating ang wakas, sino ang makaliligtas? Sumasagot ang Bibliya: “Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito. Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa.” (Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.