Pumunta sa nilalaman

Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?

Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?

Sasabihin mo bang . . .

  • oo?

  • hindi?

  • siguro?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Papahirin [ng Diyos] ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit.”—Pahayag (o, Apocalipsis) 21:4, Magandang Balita Biblia.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Makakatiyak kang hindi ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng problema.—Santiago 1:13.

Maaaliw kang malaman na nasasaktan din ang Diyos kapag nagdurusa tayo.—Zacarias 2:8.

Makaaasa kang matatapos din ang lahat ng pagdurusa.—Awit 37:9-11.

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Nasusuklam ang Diyos sa kalupitan at pagdurusa. Pansinin ang nadama ng Diyos na Jehova nang pagmalupitan ang bayan niya noong panahon ng Bibliya. Sinasabi ng Bibliya na nasaktan siya dahil sa “pagmamalupit sa kanila.”—Hukom 2:18, Bagong Sanlibutang Salin.

    Galit na galit ang Diyos sa mga nananakit ng kanilang kapuwa. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na kinasusuklaman niya ang “mga pumapatay sa walang kasalanan.”—Kawikaan 6:16, 17, Magandang Balita Biblia.

  • Nagmamalasakit ang Diyos sa bawat isa sa atin. Gusto ni Jehova na ilapit natin sa kaniya ang lahat ng ating álalahanín ‘dahil nagmamalasakit siya sa atin.’—1 Pedro 5:7.

    Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, malapit nang tapusin ni Jehova ang pagdurusa ng bawat isa sa atin. (Mateo 6:9, 10) Sa ngayon, inaalalayan niya muna ang mga umaasa sa kaniya.—Gawa 17:27; 2 Corinto 1:3, 4.

PAG-ISIPAN ITO

Bakit hinahayaan ng Diyos na magdusa ang mga tao?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa ROMA 5:12 at 2 PEDRO 3:9.