Pumunta sa nilalaman

Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?

Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?

Ang sagot mo ba ay . . .

  • oo?

  • hindi?

  • siguro?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.”—Gawa 24:15, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Hindi ka masyadong matatakot sa kamatayan.—Hebreo 2:15.

Mas makakayanan mo ang pagkamatay ng mga mahal mo sa buhay.—2 Corinto 1:3, 4.

Magkakaroon ka ng pag-asang makapiling silang muli.—Juan 5:28, 29.

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa tatlong dahilan:

  • Sa Diyos nagmula ang buhay. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos na Jehova ang “bukal ng buhay.” (Awit 36:9; Gawa 17:24, 25) Kung ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa ating lahat, tiyak na kaya rin niyang ibalik ang buhay ng isang namatay.

  • Mayroon nang mga taong binuhay-muli ang Diyos. Sa Bibliya, may walong rekord ng mga taong binuhay-muli dito sa lupa—bata, matanda, lalaki, at babae. Ang ilan ay kamamatay lang nang buhaying muli, pero may isa na apat na araw nang nakalibing!—Juan 11:39-44.

  • Gustong-gusto ng Diyos na buhaying muli ang mga patay. Kinasusuklaman ni Jehova ang kamatayan; itinuturing niya itong kaaway. (1 Corinto 15:26) Sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli, determinado siyang talunin ang kaaway na ito. Nasasabik siyang buhayin at makitang muli sa lupa ang mga taong nasa alaala niya.—Job 14:14, 15.

PAG-ISIPAN ITO

Bakit tayo tumatanda at namamatay?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa GENESIS 3:17-19 at ROMA 5:12.