Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?
Sasabihin mo bang . . .
-
Diyos?
-
mga tao?
-
iba pa?
ANG SABI NG BIBLIYA
“Ang Isa na Masama ang kumokontrol sa buong mundo.”—1 Juan 5:19.
“Ang Anak ng Diyos ay dumating . . . para sirain ang mga gawa ng diyablo.”—1 Juan 3:8, New Century Version.
ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?
Magiging malinaw sa iyo ang dahilan ng mga problema sa mundo.—Apocalipsis 12:12.
May dahilan kang maniwala na bubuti pa ang kalagayan ng ating mundo.—1 Juan 2:17.
MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?
Oo, sa tatlong dahilan:
-
Wawakasan ang pamamahala ni Satanas. Determinado si Jehova na wakasan ang pamumuno ni Satanas sa mga tao. Ipinangako niya na ‘pupuksain ang Diyablo’ at aalisin ang lahat ng pinsalang idinulot ni Satanas.—Hebreo 2:14, Bagong Sanlibutang Salin.
-
Pinili ng Diyos si Jesu-Kristo para mamahala sa mundo. Ibang-iba si Jesus sa malupit at sakim na tagapamahala ng mundong ito. Tungkol sa paghahari ni Jesus, nangangako ang Diyos: “Maaawa siya sa hamak at sa dukha . . . Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”—Awit 72:13, 14.
-
Hindi makapagsisinungaling ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya: “Imposibleng magsinungaling ang Diyos.” (Hebreo 6:18) Kapag nangako si Jehova, tiyak na matutupad iyon! (Isaias 55:10, 11) “Palalayasin ang tagapamahala ng mundong ito.”—Juan 12:31.
PAG-ISIPAN ITO
Ano kaya ang mangyayari sa mundo kapag wala na ang masamang tagapamahala nito?
Sinasagot iyan ng Bibliya sa AWIT 37:10, 11 at APOCALIPSIS 21:3, 4.