Tamasahin ang Buhay Pampamilya
Tamasahin ang Buhay Pampamilya
Talaga bang maaaring maging maligaya ang mga pamilya?
Papaano ito posible?
May alam ka bang mga pamilya na nagkakaisa at kasinsaya niyaong makikita sa tract na ito? Ang mga pamilya saanman ay nagkakawatak-watak. Ang diborsiyo, kawalan ng kaseguruhan sa trabaho, mga suliranin ng nagsosolong magulang, pagkasiphayo—lahat ng mga ito ay nakadaragdag sa krisis. Isang eksperto sa buhay pampamilya ang malungkot na nagsabi: “Sa ngayon, ang mga hula ng pagbagsak ng pamilya ay pangkaraniwan sa lahat.”
Bakit sinasalakay ng malulubhang suliranin ang mga pamilya sa ngayon? Papaano tayo maaaring masiyahan sa buhay pampamilya?
Kung Papaano Nagsimula ang Pamilya
Upang masagot ang mga tanong na ito, kailangan nating malaman ang pinagmulan ng pag-aasawa at pamilya. Sapagkat kung ang mga ito ay may Pinagmulan—isang Maylikha—dapat na bumaling sa kaniya ang mga miyembro ng pamilya para sa patnubay, yamang siya ang tiyak na nakaaalam ng pinakamabuti kung papaano natin tatamasahin ang buhay pampamilya sa sukdulan.
Kapansin-pansin, marami ang naniniwala na ang kaayusan sa pamilya ay walang Pinagmulan. Ang The Encyclopedia Americana ay nagsasabi: “Ang ilang iskolar ay mahilig na taluntunin ang pinagmulan ng pag-aasawa sa mga kaayusan ng pagsasama ng mga hayop na mababa sa tao.” Subalit, binanggit ni Jesu-Kristo ang tungkol sa paglalang sa lalaki at babae. Sinipi niya bilang awtoridad ang sinaunang ulat ng Bibliya at nagsabi: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.”—Mateo 19:4-6.
Genesis 2:22-24) Kung gayon, maaari kayang ang mga suliranin ng pamilya sa ngayon ay dahil sa paghahangad ng istilo ng pamumuhay na lumalabag sa mga pamantayang itinakda ng Maylikha sa kaniyang Salita, ang Bibliya?
Kaya si Jesu-Kristo ay tama. Isang matalinong Diyos ang lumalang sa unang mga tao at nagsaayos sa maligayang buhay pampamilya. Pinagsama ng Diyos ang unang lalaki’t babae sa pag-aasawa at nagsabi na ang lalaki ay “makikisama sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman.” (Aling Daan ang Patungo sa Tagumpay?
Tiyak gaya ng iyong nalalaman, itinataguyod ng modernong sanlibutan ang sariling-pakinabang at sariling-tagumpay. “Ang kasakiman ay mabuti,” sinabi ng isang namumuhunan sa isang
magtatapos na klase sa kolehiyo sa Estados Unidos. “Maaari kang maging sakim at maging mabuti pa rin sa iyong sarili.” Ngunit ang paghahangad ng materyal na mga ari-arian ay hindi umaakay sa tagumpay. Sa katunayan, ang materyalismo ay isa sa pinakamalaking banta sa buhay pampamilya sapagkat ito’y humahadlang sa mga ugnayan ng tao at umuubos ng panahon at salapi ng mga tao. Sa kabaligtaran, isaalang-alang kung papaanong ang dalawang kawikaan sa Bibliya ay tumutulong sa atin na maunawaan kung ano ang mahalaga sa kaligayahan.“Mas mabuti pa ang kumain ng gulay kasama ng mga tao na iyong mahal kaysa kumain ng karne na may pagkakapootan.”
“Mas mabuti pang kumain ng durog na tinapay na may kapayapaan ng isip kaysa isang handaan sa bahay na punô ng kaguluhan.”
Kawikaan 15:17; 17:1, “Today’s English Version.”
Mabisa, hindi ba? Isip-isipin na lamang kung gaano kabuti ang daigdig kung bawat pamilya ay nangunyapit sa pangunahing mga simulaing ito! Ang Bibliya ay naglalaan din ng kapaki-pakinabang na patnubay kung papaano pakikitunguhan ng bawat miyembro ng pamilya ang isa’t isa. Isaalang-alang ang ilan lamang sa mga patnubay na ibinibigay nito.
Mga Asawang Lalaki: ‘Ibigin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sariling katawan.’—Efeso 5:28-30.
Simple, subalit talagang praktikal! Ang Bibliya ay nag-uutos din sa asawang lalaki na ‘pakundanganan ang kaniyang asawang babae.’ (1 Pedro 3:7) Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng pantanging atensiyon, lakip ng pagmamahal, pag-unawa, at katiyakan. Kaniya rin namang pinahahalagahan ang mga opinyon ng asawang babae at nakikinig sa kaniya. (Ihambing ang Genesis 21:12.) Sumasang-ayon ka ba na alinmang pamilya ay makikinabang kung pakikitunguhan ng lalaki ang kaniyang asawang babae na may konsiderasyon, gaya ng nais niya na pakikitungo sa kaniya?—Mateo 7:12.
Mga Asawang Babae: “Magkaroon ng matinding paggalang sa [inyong] asawang lalaki.”—Ang isang asawang babae ay tumutulong sa kaligayahan ng pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniyang asawa na tupdin ang mabibigat niyang pananagutan. Ito nga ang layon, yamang naglaan ang Diyos ng isang asawang babae na magiging “isang katulong para sa kaniya, bilang kapupunan niya.” (Genesis 2:18) Mapahahalagahan mo ba ang pagpapala sa buhay pampamilya pagka ang asawang babae ay nagpapakita ng paggalang sa kaniyang asawang lalaki sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kaniyang mga pasiya at pakikipagtulungan sa kaniya na maabot ang pampamilyang mga tunguhin?
Mga Mag-asawa: “Ang mga asawang lalaki at babae ay dapat na maging tapat sa isa’t isa.”—Hebreo 13:4, TEV.
Kapag sila ay tapat, tiyak na ang buhay pampamilya ay makikinabang. Ang pangangalunya ay kadalasang nagwawasak ng isang pamilya. (Kawikaan 6:27-29, 32) Kung gayon, may katalinuhang nagpapayo ang Bibliya: “Magalak ka sa iyong asawa at makasumpong ka ng kaligayahan sa babaing iyong pinakasalan . . . Bakit mo ibibigay ang iyong pag-ibig sa ibang babae?”—Kawikaan 5:18-20, TEV.
Mga Magulang: “Sanayin [ang inyong mga anak] sa daan na dapat [nilang] lakaran.”—Kawikaan 22:6.
Kapag ang mga magulang ay nagbibigay ng panahon at atensiyon sa mga anak, tiyak na ang pamilya ay susulong. Sa gayon, hinihimok ng Bibliya ang mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang tamang mga simulain ‘pagka sila ay nauupo sa kanilang bahay at pagka sila ay lumalakad sa daan at pagka sila ay nahihiga at pagka sila ay bumabangon.’ (Deuteronomio 11:19) Sinasabi rin ng Bibliya na ang mga magulang ay dapat na magpakita ng pag-ibig sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagdidisiplina sa kanila.—Efeso 6:4.
Mga Anak: “Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang kaisa ng Panginoon.”—Efeso 6:1.
Totoo, sa tampalasang sanlibutang ito, hindi laging madali na sumunod sa inyong mga magulang. Ngunit, hindi ba kayo sumasang-ayon na matalinong sundin kung ano ang sinasabi sa atin ng Pinagmulan ng pamilya? Alam niya kung ano ang pinakamabuti upang maging mas maligaya ang ating buhay pampamilya. Kaya sikaping mabuti na sumunod sa inyong mga magulang. Maging desididong iwasan ang maraming tukso ng sanlibutan na gawin ang mali.—Kawikaan 1:10-19.
2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:3, 4) Kaya ugaliin ng pamilya ang sama-samang pag-aaral ng Bibliya! Nasumpungan ng milyun-milyong pamilya sa buong mundo na ang patnubay na inilalaan sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay talagang kapaki-pakinabang.
Sa lawak na ang bawat miyembro ng pamilya ay nagkakapit ng mga payo ng Bibliya, ang buhay pampamilya ay makikinabang. Ang pamilya ay hindi lamang magtatamasa ng mas mabuting buhay ngayon kundi ito ay magkakaroon ng pag-asa sa isang kamangha-manghang kinabukasan sa bagong sanlibutan na ipinangako ng Diyos. (Malibang ipahiwatig, lahat ng pagsipi sa Bibliya ay mula sa New World Translation of the Holy Scriptures.