Pumunta sa nilalaman

ENERO 22, 2024
ANGOLA

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Chokwe

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Chokwe

Noong Enero 13, 2024, ini-release ni Brother Jeffrey Winder, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Chokwe sa isang espesyal na programang ginanap sa sangay sa Luanda, Angola. Sa kabuoan, 187 kapatid ang nagpunta sa venue para dumalo sa programa, at 353,427 naman ang nakapanood nito sa pamamagitan ng videoconference. Kasama dito ang 1,644 na kapatid na nagsasalita ng Chokwe. Marami sa mga dumalo sa programa ang nakatanggap ng inimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Mada-download din ang digital format nito.

Tinatayang tatlong milyon ang nagsasalita ng Chokwe sa Angola, Democratic Republic of the Congo, at Zambia. Sa ngayon, may 462 kapatid sa 10 kongregasyong nagsasalita ng Chokwe sa Angola. May 734 namang kapatid sa 21 kongregasyong nagsasalita ng Chokwe sa Democratic Republic of the Congo.

Sinabi ni Brother Winder sa pahayag niya na makikita sa Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang personal na pangalan ng Diyos na Jehova nang 237 beses. Sinabi ng isang brother: “Sinasabi sa Roma 10:13 na ‘ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.’ Pero hindi ipinapaliwanag ng ibang salin ng Bibliya sa Chokwe ang kahulugan nito. Kaya excited akong gamitin ang Kristiyanong Griegong Kasulatan. Gusto kong tulungan ang mga tao na maintindihan kung bakit napakahalagang gamitin ang pangalan ni Jehova para maligtas. Napakaganda talagang regalo nito!”

Alam natin na ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Chokwe ay makakatulong sa marami pang tao na matuto tungkol kay Jehova at mahalin siya nang buong puso at lakas.—Marcos 12:33.