OKTUBRE 18, 2023
ANGOLA
Ini-release sa Angolan Sign Language ang mga Aklat ng Mateo at Gawa
Sa isang espesyal na programang ginanap noong Setyembre 23, 2023, ipinatalastas ni Brother Johannes De Jager, miyembro ng Komite ng Sangay ng Angola, ang pag-release ng mga aklat ng Bibliya na Mateo at Mga Gawa ng mga Apostol sa Angolan Sign Language (LAS). Mga 1,881 ang dumalo sa programa sa isang Assembly Hall sa Luanda, Angola. Naging available din agad sa jw.org at sa JW Library Sign Language app ang bagong release na mga aklat ng Bibliya.
Halos 360,000 ang bingi sa Angola. Ang unang LAS na kongregasyon ay naitatag noong 2010. Ngayon, mahigit 1,000 mamamahayag ang naglilingkod sa 37 LAS na kongregasyon, 7 group, at isang pregroup sa buong Angola.
Ito ang unang pagkakataon na may naisaling aklat ng Bibliya sa LAS. Pagkatapos basahin ang aklat ng Gawa, sinabi ng isang brother: “Gustong-gusto ko ang pagkakasalin sa Gawa 8:26-30 tungkol sa paghabol ni Felipe sa opisyal na Etiope. Nakatulong iyon sa akin na mas maintindihan kung bakit kailangan kong maging laging masigasig sa ministeryo.”
Sigurado tayo na ang dalawang aklat na ito ng Bibliya sa LAS ay makakatulong sa marami pang iba na madama ang pag-ibig ni Jehova habang ‘pinasisinag ni Jehova sa kanila ang kaniyang mukha.’—Bilang 6:25.