Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Mga kapatid na nakikibahagi sa Luanda International Fair sa Luanda, Angola. Kanan: Ipinapakita ng isang brother (gitna) kung paano ginagawa ang ating pag-aaral sa Bibliya sa mga nagpupunta sa ating booth

SETYEMBRE 12, 2024
ANGOLA

Ipinakita Kung Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya sa Mahigit 200 Tao sa International Fair sa Angola

Ipinakita Kung Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya sa Mahigit 200 Tao sa International Fair sa Angola

Ginanap ang ika-39 na Luanda International Fair sa Luanda, Angola, mula Hulyo 23 hanggang 28, 2024. Makikita sa taunang event na ito ang halos 1,800 nag-present ng mga eksibit at mga 100,000 ang pumunta. Nag-set up ng isang booth ang mga Saksi ni Jehova na may salig sa Bibliyang mga publikasyon sa siyam na wika. May mga upuan din sa booth para sa mga bisita na gustong masubukan ang inaalok nating pag-aaral sa Bibliya. Ginawa ito nang 227 beses noong panahon ng fair, at mahigit 100 ang humiling na dalawin sila sa kanilang bahay.

Isang babae ang lumapit sa booth at nagsabi na gusto niyang matuto pa tungkol sa Bibliya. Inalok siya ng sister na mag-aral ng Bibliya. Sa kanilang pag-uusap, maraming tanong ang babae at nagsabing talagang interesado siya sa mga pangako ng Bibliya sa hinaharap. Nagba-Bible study na siya ngayon kasama ng ating sister.

Ginagamit ng isang sister ang touch screen display para ipakita ang jw.org

Nagulat naman ang isa pang babae nang malaman niya na nagtuturo tayo ng Bibliya nang walang bayad. Sinabi ng sister na ginagawa natin iyon dahil gusto nating sabihin ang mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos sa pinakamaraming tao hangga’t posible. Nang malaman ng sister na nakapag-aral na pala ang babae sa mga Saksi noon, ipinakita ng sister ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? Tuwang-tuwa ang babae na bukás sa lahat ang mga pagpupulong natin. Sinabi niya na gusto niyang matuto pa nang higit.

Masayang-masaya ang isang babaeng mula sa Portugal na makita ang mga Saksi ni Jehova sa fair. Sinabi niya na madalas niyang nakakausap ang kapitbahay niyang Saksi. “Hangang-hanga ako sa organisasyon ninyo, at gusto kong matuto nang higit pa tungkol dito!” ang sabi niya. Sinabi ng babae na magpapa-Bible study siya sa kapitbahay niyang Saksi pag-uwi niya.

Masaya tayo na marami sa Angola ang gustong matuto pa tungkol sa Bibliya at sabik na sabik na tanggapin ang paanyaya ni Jehova na ‘kumuha ng tubig ng buhay na walang bayad.’—Apocalipsis 22:17.