Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 9, 2022
ANGOLA

Mga Aklat ng Bibliya na Mateo at Gawa, Ini-release sa mga Wikang Chokwe at Ibinda

Mga Aklat ng Bibliya na Mateo at Gawa, Ini-release sa mga Wikang Chokwe at Ibinda

Noong Disyembre 3, 2022, ini-release ni Brother Samuel Campos, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Angola, ang mga aklat ng Bibliya na Mateo at Gawa sa mga wikang Chokwe at Ibinda. Ini-release sa digital format ang mga aklat ng Bibliya na ito sa isang prerecorded na programa na napanood ng mga 2,000 via streaming.

Naitatag ang unang Chokwe language group ng mga Saksi ni Jehova noong 2007. Ngayon, may 10 Chokwe-language congregation na sa Angola at 23 sa Democratic Republic of the Congo.

Sinabi ng isang translator sa wikang Chokwe: “May ilang bersiyon ng Bibliya sa Chokwe. Ang isa rito, madaling maintindihan pero paraphrase ang pagkakasalin. Ang isa naman, mas kumpletong salin kaya lang mahirap maintindihan. Kapag binabasa ko ang bagong salin na ’to, para bang kinakausap ako ni Jehova.”

Ang unang Ibinda-language congregation ay naitatag noong 2014. Ngayon, 13 na ang kongregasyon. Bago i-release ang mga aklat ng Bibliya na Mateo at Gawa sa Ibinda, walang mga aklat ng Bibliya na makukuha sa wikang iyon, kaya ginagamit ng mga kapatid ang Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Portuguese. Sinabi ng isang kasama sa Ibinda translation team: “Mas naiintindihan ko na ngayon y’ong ilang teksto sa Bibliya na maraming beses ko nang nabasa noon. Isang pribilehiyo na makasama sa proyektong ’to. Napatibay nito ang pananampalataya ko.”

Nagtitiwala tayo na makakatulong ang nai-release na mga aklat ng Bibliya sa Chokwe at Ibinda para maging mas malapít ang mga kapatid natin kay Jehova.—Santiago 4:8.