HUNYO 30, 2023
ARGENTINA
Ginanap sa Argentina ang Unang Asamblea sa Wikang Wichi
Ginanap sa Argentina noong Mayo 7, 2023, ang unang buong pansirkitong asamblea sa wikang Wichi. Ginanap sa isang Kingdom Hall sa Tartagal, Salta, ang asambleang ito na may temang “Mga Kaibigan ng Kapayapaan.” Napanood din ang programa sa tatlo pang lugar sa Argentina sa pamamagitan ng videoconference. Lahat-lahat, 169 ang dumalo. Dalawa ang nabautismuhan.
Nakatira ang karamihan ng mga Wichi sa hilagang-kanluran ng Argentina at timog-silangan ng Bolivia. Sa loob lang ng mahigit 10 taon, nagkaroon ng 2 kongregasyon, 3 group, at 6 na pregroup. Kabilang dito ang 45 kapatid na ang katutubong wika ay Wichi, kasama ang mga nag-aaral ng wikang ito.
Marami sa mga dumalo sa asamblea ang nakatira sa liblib na mga lugar. Mga 455 kilometro mula sa Tartagal nakatira ang may-edad nang brother na si Paulino. Bumiyahe siya nang 12 oras sa bus papunta sa asamblea. Pagkatapos ng asamblea, sinabi niya: “Nagpapasalamat ako kay Jehova sa lahat ng pagsisikap ng mga kapatid para ma-enjoy namin ang programa sa sariling wika namin.”
Para sa ilang dumalo, ito ang kanilang unang in-person na asamblea ng mga Saksi ni Jehova. Si Delia, na nagsasalita ng Wichi, ay nagpa-Bible study sa mga Saksi ni Jehova noong COVID-19 pandemic. Isang oras siyang naglakad kasama ng dalawang maliliit niyang anak para dumalo sa asamblea. Sabi ni Delia, isa sa pinakamagandang nangyari sa pagdalo niya ay ang makita niya ang sister na unang nag-Bible study sa kaniya!
Patunay ang kagalakang nadama ng mga kapatid natin sa unang asambleang ito sa wikang Wichi na “espesyal ang pagtrato” ni Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod.—Awit 4:3.