Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 2, 2022
ARGENTINA

Pamilyang Bethel sa Argentina, Masaya sa Bagong Tanggapang Pansangay

Pamilyang Bethel sa Argentina, Masaya sa Bagong Tanggapang Pansangay

Nakalipat na ang pamilyang Bethel sa Argentina sa bagong tanggapang pansangay nito. Natapos ng mga contractor ang gusali noong tag-araw ng 2021. Mula noon, mga Bethelite at construction volunteer naman ang gumawa ng mga gawain sa loob, gaya ng plumbing, electrical, pagkakabit ng mga furniture, at paglilinis.

Ang bagong sangay ay may isang office building na may 136 na workstation at dalawang residential building na may 98 kuwarto. Sa dating sangay, nasa iba’t ibang lugar ang mga gusali. Pero sa bagong sangay, ang mga Bethelite ay nakatira at nagtatrabaho sa isang property lang na 8,524 na metro kuwadrado at nasa labas ng Buenos Aires, ang kapital ng Argentina.

Sinabi ni Brother Humberto Cairo, miyembro ng Komite ng Sangay: “Ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagkabukas-palad sa proyektong ito. Napakaganda ng mga gusali dito, lalo na ang kitang-kitang logo ng jw.org.”

Ganito naman ang sinabi ni Brother Sebastian Rosso, na naglilingkod sa Service Department: “Napakagandang regalo ito mula kay Jehova. Tamang-tama ito sa pangangailangan namin. Nagpapasalamat kami kay Jehova sa napakaganda at praktikal na pasilidad na ito ng sangay.”

Alam natin na sa tulong ng bagong pasilidad na ito, lalo pang magiging mahusay ang pamilyang Bethel sa kanilang gawain at magiging malaking patotoo ito sa komunidad, para sa kaluwalhatian ni Jehova.​—2 Cronica 7:1.

 

Lumipat ang pamilyang Bethel ng Argentina sa bagong tanggapang pansangay sa Buenos Aires. Nagsimula ang paglipat noong Hulyo 2021 at sinunod ng lahat ang safety protocol para sa COVID-19. Nang makalipat na, ginawa ng mga Bethelite ang finishing touches, pati ang pagkakabit ng mga furniture at paglilinis. Magiging malaking patotoo sa komunidad ang bagong sangay