Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 15, 2023
ARGENTINA

Public Witnessing sa Isang Festival sa Argentina

Public Witnessing sa Isang Festival sa Argentina

Ginanap noong Nobyembre 11 hanggang 21, 2022 ang 38th National Festival of Immigrant Communities sa Rosario, Argentina. Mahigit isang milyon ang pumunta rito. Ipinakita nito ang mga tradisyon at kaugalian ng iba’t ibang lahi at etnikong grupo sa bansa. Isang special witnessing initiative ang inorganisa ng sangay sa Argentina para dito. Ipinakilala ng mga kapatid sa mga pumunta sa festival ang opisyal na website natin na jw.org at nagbigay ng mga literaturang nakabase sa Bibliya. Nagdala sila ng mga publikasyon sa mga wikang Argentinean Sign Language, Chinese, English, Guarani, Haitian Creole, Portuguese, Quechua (Bolivia), at Spanish. Mahigit 400 kapatid ang sumama sa special witnessing na ito.

Pinayagan ng mga organizer ng festival ang mga kapatid na maglagay ng mga literature cart sa matataong lokasyon. Sinabi ng isang city official: “Maayos ang hitsura ng bawat isa sa inyo, at magagalang kayo.” Lumapit naman sa literature display natin ang isang psychologist mula sa Rosario at nagsabi: “Pamilyar na pamilyar ako sa mga publikasyon ninyo, at gustong-gusto ko ang mga ’yan! Madalas, ginagamit ko ’yan sa mga pasyente ko.”

Noong Nobyembre 14, 2022, naglabas ng artikulo ang nangungunang newspaper ng Rosario, ang La Capital, tungkol sa ginawang espesyal na pangangaral. May link ng jw.org ang artikulo at may binanggit ito tungkol sa dami ng wikang ginagamit natin sa pagbibigay ng impormasyon.

Masaya tayong makita na ginagamit ng mga kapatid natin sa buong mundo ang bawat pagkakataon para “lubusang magpatotoo tungkol sa mabuting balita.”—Gawa 20:24.