ABRIL 29, 2019
ARGENTINA
Sinimulan ang Pagtatayo ng Bagong Tanggapang Pansangay sa Argentina
Noong Agosto 2018, sinimulan ang pagtatayo ng isang bagong tanggapang pansangay sa Buenos Aires, Argentina. Magkakaroon ito ng isang office building na may 136 na workstation at dalawang residential building na may 98 kuwarto. Ang mga pasilidad ng kasalukuyang sangay ay nasa iba’t ibang lugar. Pero sa itatayong bagong sangay, pagsasama-samahin ang mga ito sa iisang istraktura kaya mas mapapabilis ang gawain. Makikita sa photo gallery sa ibaba ang pagsisimula ng konstruksiyon.
Agosto 2018: Ang design team, na binubuo ng 10 brother at sister, ay nagtrabaho nang 18 buwan para ihanda ang architectural plans.
Setyembre 2018: Gumagawa ng malalalim na hukay na pagtatayuan ng mga pundasyon. Dahil sa klase ng lupa rito, kailangang magbaón ng 103 pabilog na haligi sa lalim na 38 metro para lalong mapatibay ang itatayong mga gusali.
Nobyembre 2018: Isang crane na 33 metro ang taas (108 ft) ang ginagamit sa proyekto.
Nobyembre 2018: Kaligtasan ang priyoridad sa pagbuo ng crane at idiniriin ito sa lahat ng nagtatrabaho sa proyekto.
Enero 2019: Gumagamit ng mga heavy machine para mahukay ang paglalagyan ng mga elevator.
Marso 2019: Para lalong tumibay ang pundasyon, nilagyan ito ng mga bakal bago buhusan ng semento.