OKTUBRE 14, 2019
ARGENTINA
Update sa Pagtatayo ng Bethel sa Argentina
Mahigit isang taon na ang nakakalipas mula nang simulan ang pagtatayo ng tanggapang pansangay sa Argentina, at mahigit kalahati na ng gawain ang natapos. Mayroon itong tatlong gusali—isang office building at dalawang residence building—at ang lawak nito ay 8,524 na metro kuwadrado. Inaasahang matatapos ang pagtatayo sa Hulyo 2020.
Masaya tayong mabalitaan ang update na ito sa bagong tanggapang pansangay sa Argentina. Ipinapanalangin nating patuloy na pagpapalain ni Jehova ang proyektong ito.—Deuteronomio 28:8.
Abril 2019: Ang office building. Ang mga pundasyong nasa basement ay aabot hanggang sa pinakaitaas na palapag para maging mas matibay ang gusali
Hunyo 2019: Isang construction worker na nakatayo sa scaffolding habang inihahanda ang formwork ng pundasyon para sa Residence A
Hulyo 2019: Mga construction worker na naglalagay ng rebar at kagamitang elektrikal para sa ikatlong palapag ng office building
Hulyo 2019: Mga construction worker na nagbubuhos ng semento para sa ikalawang palapag ng Residence A. Ito ay limang-palapag na gusali na may terrace
Hulyo 2019: Ang itinatayong paradahan ng sasakyan. Magkakasya rito ang 72 sasakyan sa underground at 72 sa itaas
Agosto 2019: Makikita sa kaliwa ang Residence A at Residence B; ang office building ay nasa bandang likuran, sa likod ng backhoe