Pumunta sa nilalaman

ABRIL 29, 2013
ARGENTINA

Pagbaha sa Argentina

Pagbaha sa Argentina

Lumubog sa baha ang mga lunsod ng Buenos Aires at La Plata noong Abril 2, 2013. Ayon sa media, 57 ang namatay. Tinatayang 500 Saksi ni Jehova ang naapektuhan ng pagbaha, at mga 200 ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan. Bilang bahagi ng kanilang pagtulong, ang mga Saksi sa buong Argentina ay nagpadala ng mahigit 30,000 litrong tubig na maiinom, 30 tonelada ng pagkain, at daan-daang kutson, kumot, at unan na napakinabangan kapuwa ng mga Saksi at di-Saksi. Daan-daang Saksi ang nagboluntaryong tumulong. Ang ilan ay nagbiyahe pa nang mahigit 480 kilometro para sa paglilinis at pagkukumpuni.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Argentina: Ángel Mattiacci, tel. +54 15 5424 9071