NOBYEMBRE 6, 2018
ARGENTINA
Malaking Kampanya ng Pagpapatotoo Kasabay ng 2018 Summer Youth Olympic Games sa Argentina
Noong Oktubre 6-18, 2018, nakibahagi ang mga kapatid natin sa isang espesyal na kampanya ng pagpapatotoo kasabay ng 2018 Summer Youth Olympic Games, na ginanap sa Buenos Aires, Argentina.
Mahigit 4,000 atleta mula sa 206 na bansa ang kalahok sa Summer Youth Olympic Games sa taóng ito. Sinasabing ito ang pinakamalaking paligsahan para sa mga kabataang atleta na edad 15 hanggang 18. Para marinig ng maraming atleta at bisita sa lunsod ang mensahe ng Bibliya, mahigit 6,400 Saksi ni Jehova ang nakibahagi sa kampanya. Naglagay ang mga kapatid ng 390 cart ng literatura sa halos 100 lokasyon.
Dahil para sa mga kabataan ang okasyong iyon, itinampok ng mga kapatid ang mga tomo ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas at ang brosyur na Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan. Ang mga literatura ay nasa iba’t ibang wika gaya ng Arabic, Chinese, English, French, German, Korean, Portuguese, Russian, Spanish, at Argentinean Sign Language. Mga 790 publikasyon ang naipapamahagi araw-araw.
Tuwang-tuwa ang mga kapatid na masabi sa mga kabataan at adulto ang pag-asa mula sa Bibliya.—Awit 110:3.