Maikling Impormasyon—Armenia
Ang mga Saksi ni Jehova sa Republic of Armenia ay malaya sa kanilang pagsamba, at naisasagawa nila ang kanilang relihiyosong mga gawain nang walang gaanong hadlang. Legal silang kinilala noong Oktubre 2004.
Pagsapit ng Oktubre 2013, naging malaking pagsubok sa mga Saksi sa Armenia ang kawalan ng katanggap-tanggap na alternatibong serbisyong pansibilyan. Ito ay dahil kontrolado ng militar ang programa ng Armenia at na may kaukulan itong parusa. Mula noong 1993, daan-daang kabataang lalaking Saksi na tumatangging magsundalo dahil sa budhi ang nasesentensiyahan nang mahabang pagkabilanggo, at ang ilan ay dumaranas ng mahihirap na kalagayan. Sa wakas, noong Hunyo 8, 2013, iniayon ng Armenia ang Alternative Civilian Service Law nito sa mga pamantayan ng Europe. Noong Oktubre 23, 2013, ipinagkaloob ng Republican Commission ng Armenia sa 57 Saksi ni Jehova ang unang aplikasyon para sa alternatibong serbisyong pansibilyan. Naging matagumpay ang programa, anupat napaglingkuran ng mga Saksi ang kanilang bansa nang hindi nakikipagkompromiso.
Sa kabila ng malaking pagbabagong ito, may diskriminasyon pa rin laban sa mga Saksi ni Jehova. May ilang munisipalidad na ayaw magbigay ng permit para sa pagtatayo ng kanilang dako ng pagsamba. Napakataas ng ipinapataw na buwis ng mga opisyal ng custom para sa importasyon ng mga relihiyosong literatura ng mga Saksi. At sinisiraan ng mga mananalansang ang mga Saksi sa pamamagitan ng media at mga public forum. Dumulog ang mga Saksi ni Jehova sa mga korte sa loob at labas ng bansa para maresolba ang mga usaping ito.