NOBYEMBRE 29, 2019
AUSTRALIA
Melbourne, Australia—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Nobyembre 22-24, 2019
Lokasyon: Marvel Stadium sa Melbourne, Australia
Wika ng Programa: Australian Sign Language, Chinese Cantonese, Chinese Mandarin, English, Korean, Spanish, Tagalog, Vietnamese
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 46,582
Bilang ng Nabautismuhan: 407
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,083
Mga Sangay na Imbitado: Argentina, Canada, Hong Kong, India, Italy, Japan, Korea, Pilipinas, Solomon Islands, South Africa, Taiwan, United States
Karanasan: Sinabi ng manager ng Ballarat Wildlife Park: “Sa 15 taon ko sa Ballarat Wildlife Park, masasabi kong ang grupo n’yo ang pinakamasarap katrabaho at pinakaorganisado. Maraming salamat sa inyo at sa mahuhusay n’yong tour guide.”
Ganito ang komento ng isang hotel manager tungkol sa 340 delegado na tumuloy sa hotel nila: “Nakikipagtulungan ang lahat para ayusin ang problema. Para silang isang malaking pamilya; kinakausap nila at sinusuportahan ang isa’t isa. Na-enjoy ko talaga silang makasama. Sa 11 taon ko sa trabahong ito, sila lang ang grupong ganito.” Dumalo ang manager na ito sa kombensiyon noong Sabado.
Sinasalubong ng mga kapatid ang mga delegado sa tanggapang pansangay na nasa Denham Court, isang suburb sa Sydney, Australia
Mga kapatid na pumapasok sa arena
Mga delegado na kumakanta ng papuri kay Jehova
Niyayakap ng batang sister ang nanay niya matapos mabautismuhan
Si Brother David Splane, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag noong Biyernes
Mga dumadalaw na nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa mga dumalo
Mga delegado na nagpapa-picture
Grupo ng mga sister na nagpe-perform para sa mga delegado sa evening gathering