Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 15, 2019
AUSTRALIA

Nalubog sa Baha ang Queensland, Australia

Nalubog sa Baha ang Queensland, Australia

Nagdulot ng matinding pagbaha ang malakas na pag-ulan sa hilagang-silangang Australia. Dahil sa baha, libo-libong residente ang lumikas, maraming ari-arian ang nasira, at nawalan ng kuryente sa lugar.

Iniulat ng sangay ng Australasia na dahil sa pagbaha, 58 mamamahayag mula sa tatlong kongregasyon ang kinailangang lumikas papunta sa bahay ng kanilang mga kapamilya o iba pang Saksi. Sampung bahay ng ating mga kapatid ang binaha, at dalawa rito ang nawasak.

Bumuo ng Disaster Relief Committee ang sangay, at nag-shepherding ang tagapangasiwa ng sirkito at ang lokal na mga elder sa apektadong mga mamamahayag. Ipinapanalangin nating patuloy na makayanan ng ating mga kapatid ang sitwasyong ito at mapatibay sila sa pangangalaga ng mapagmahal na mga pastol.—1 Pedro 5:2.