ENERO 10, 2020
AUSTRALIA
Patuloy ang mga Bushfire sa Australia
Parami nang parami ang naaapektuhan ng mga bushfire sa Australia. Sa taóng 2019 naranasan ang pinakamainit na klima sa bansa, at mula pa noong Setyembre, nagkaroon ng malalaking sunog sa bawat estado ng Australia. Nag-uumpisa pa lang ang panahon na madalas magkasunog, pero napakarami nang nangyaring sunog. Pinakamatinding natamaan ang baybayin at timog-silangang mga rehiyon, ang Victoria at New South Wales.
Walang naiulat na namatay o nasaktan sa mga kapatid natin, pero marami ang nawalan ng ari-arian, kasama na ang siyam na bahay na natupok ng apoy. Sa ngayon, mahigit 700 kapatid na ang pinalikas. Maraming pamilyang Saksi ang lumikas sa mga apektadong lugar dahil sa matinding usok na delikado sa kalusugan. Karamihan sa kanila ay nakituloy sa kanilang kapamilya, kaibigan, o mga kapatid sa mga kalapít na kongregasyon na hindi apektado ng sunog.
Bumuo ang sangay sa Australasia ng dalawang Disaster Relief Committee para magbigay ng espirituwal at materyal na tulong. Pinapatibay ng dalawang tagapangasiwa ng sirkito at mga miyembro ng Komite ng Sangay ang mga kapatid natin na nasa apektadong rehiyon. Kahit marami sa mga kapatid natin na naapektuhan ng bushfire ang pagod sa pisikal at emosyonal, nagpapasalamat sila sa tunay na Kristiyanong pag-ibig na ipinapakita ng mga kapatid.—1 Pedro 2:17.