Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 13, 2019
AUSTRALIA

Sinalanta ng mga Bushfire ang Malaking Bahagi ng Australia

Sinalanta ng mga Bushfire ang Malaking Bahagi ng Australia

Isang mag-asawang Saksi ang nasunugan ng bahay matapos salantain ng mga bushfire ang mahigit isang milyong ektarya sa New South Wales at Queensland, Australia. Walang kapatid na namatay o nasugatan. Wala ring Kingdom Hall o Assembly Hall na napinsala.

May suspetsa ang mga awtoridad doon na sinadya ang ilan sa mga sunog. Mula Setyembre, mayroon nang anim na namatay at di-bababa sa 650 bahay ang nasunog.

Mga 200 kapatid ang lumikas, pero nakabalik na sila sa kanilang bahay. Kinupkop ng iba pang Saksi ang mag-asawang nasunugan ng bahay. Pinapatibay ng mga elder sa kongregasyon ang mga naapektuhan ng mga sunog.—Gawa 20:28.