Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Kenneth Cook ng Lupong Tagapamahala na nagbibigay ng nakakapagpatibay na pahayag sa mga tumulong sa paggawa ng historical film set. Itaas kanan: Pagkuha ng video sa indoor studio. Ibaba kanan: Pagkuha ng video sa historical film set

AGOSTO 26, 2022
AUSTRALIA

Update Tungkol sa Paggawa ng Episode 1 ng Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus

Update Tungkol sa Paggawa ng Episode 1 ng Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus

Ang unang bahagi sa paggawa ng Episode 1 ng Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus ay natapos noong Agosto 12, 2022. Matapos ihinto sandali, sisimulan na uli ang paggawa at inaasahang matatapos ito mga bandang Oktubre 2022.

Sa naunang report, sinimulan ng mga kapatid ang paggawa ng Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus noong Mayo 20, 2022, gamit ang mga indoor set. Nang panahong iyon, hinihintay pa ng mga kapatid ang mga permit para sa outdoor historical film set at sa mga bahagi ng isa pang gusali. Na-release ang mga permit noong Hulyo 15, 2022. Kaya nai-turn over na ng Australasia Branch Construction Department ang gusali at film set sa Regional Video Team (RVT). Ginagamit na ngayon ang mga ito.

Ang gusali para sa Regional Video Team (RVT). Mayroon itong kusina, silid kainan, opisina, at hair and makeup studio. Ang mga hayop na gagamitin ay puwedeng ipasok sa kulungan

Mahigit 500 boluntaryo mula sa Australia at New Zealand ang kasama sa pagtatayo ng mahigit 7,000 metro kuwadrado na mga historical film set na pinag-aralang mabuti para matiyak na tumpak ang pagkakagawa rito. Tungkol sa pagtatayo, sinabi ni Brother Russell Grygorcewicz, Construction Committee coordinator: “Kahit marami kaming naranasang problema, kitang-kita namin ang tulong ni Jehova para malutas ang mga ito. Talagang nagawa ito sa tulong ng espiritu ni Jehova.”

Halos matapos ni Brother Ronald Curzan, katulong ng Teaching Committee, ang unang bahagi ng paggawa ng Episode 1. Sinabi niya: “Kitang-kita ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng mga construction volunteer at ng pamilyang Bethel. Nakakatuwang makita na ginagamit na ang mga set pagkatapos ng maraming taon ng pagpaplano at pagtatayo. Nakakapagpatibay ang suporta ng mga kapatid sa buong teritoryo ng sangay. Tiyak na makakaantig sa puso ng mga tao sa buong lupa ang 18 episode na tungkol sa buhay at mga turo ni Jesus.”

Sinabi naman ni Brother Kenneth Cook ng Lupong Tagapamahala, na nakasama noong huling mga araw ng paggawa ng Episode 1: “Maliwanag na sinusuportahan ng ating maibiging Ama na si Jehova ang proyektong ito. Nagpapasalamat tayo Kaniya. Salamat din sa sakripisyo at pag-ibig ng lahat ng kasama sa paggawa ng mga set at video. Dalangin natin na ang espesyal na video series na ito ay tutulong sa marami na lalo pang sundan ang halimbawa ni Jesus at maging mas malapít kay Jehova.”

 

Pasukan sa historical set

Aerial view ng isang bahagi ng natapos na historical set

Labas ng historical set kung saan inaalagaan ang mga tupa

Ang pamilihan

Ang liwasan ng gobyerno