Pumunta sa nilalaman

ABRIL 6, 2017
AUSTRALIA

Hinagupit ng Bagyong Debbie ang Australia

Hinagupit ng Bagyong Debbie ang Australia

Noong Martes, Marso 28, 2017, hinagupit ng Bagyong Debbie ang baybayin ng hilagang Queensland at ang mga kalapit na isla. Umabot ang bugso ng hangin nito sa 260 kilometro kada oras (163 mph). Ang Category 4 na bagyo ay nagpatumba ng mga puno, puminsala ng mga gusali, at nagpasadsad ng mga sailboat sa dalampasigan ng mga bayan sa baybayin. Ang buntot ng Bagyong Debbie ay nagdulot din ng matinding pagbaha sa mga lunsod at bayan sa timog ng Queensland at sa hilaga ng New South Wales, kung kaya libo-libo ang nawalan ng kuryente.

Ayon sa unang mga report, walang Saksi ni Jehova ang malubhang nasugatan o namatay. Pero napinsala ng bagyo ang mga tahanan ng maraming Saksi at isa ang nawasak. Dalawa ring Kingdom Hall (lugar ng pagsamba) ang napinsala.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Australia ay bumuo ng dalawang disaster relief committee na mag-oorganisa sa pagtulong, para makapaglaan ng mga generator, pagkain, at tubig sa mga biktima sa apektadong mga lugar. Ang mga ministrong Saksi na tagaroon ay naglaan din ng espirituwal at emosyonal na tulong sa kanilang mga kapananampalataya.

Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Australasia: Rodney Spinks, +61-2-9829-5600