PEBRERO 15, 2013
AUSTRALIA
Tinulungan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Biktima ng Baha sa Australia
SYDNEY—Lumubog sa baha ang silangang bahagi ng Australia dahil sa Bagyong Oswald. Ang bagyong ito ay naging sanhi ng mga buhawi, malalaking alon, at matinding pag-ulan sa Queensland at hilagang bahagi ng New South Wales. Di-kukulangin sa apat katao ang namatay, at mahigit 1,000 ang inilikas. Pinakamalubhang naapektuhan ng bagyo ang lunsod ng Bundaberg, sa baybayin ng Queensland. Nagdulot ito hindi lang ng matitinding pagbaha na huling naranasan mahigit sandaang taon na ang nakararaan kundi pati na ng limang buhawi.
Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sydney na walang Saksing namatay o nasaktan. Pero di-kukulangin sa 53 bahay ng mga Saksi sa Bundaberg ang nasira kaya mahigit 70 ang nawalan ng tirahan. Ang mga napilitang lumikas ay pinatuloy ng mga Saksi at iba pa sa lugar na iyon. Ang ilan sa kanila ay sinagip ng helikopter para mailikas.
Ang mga elder ng mga Saksi roon ay bumuo ng relief committee para organisahin ang pagtulong. Sa Bundaberg, mahigit 250 Saksi ang nagboluntaryo. Ang ilan ay nagbiyahe pa nang mahigit 160 kilometro para tumulong sa mga biktima.
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Australia: Donald MacLean, tel. +61 2 9829 5600