ABRIL 12, 2016
AZERBAIJAN
Ginulo ng mga Pulis sa Azerbaijan ang Paggunita sa Kamatayan ni Kristo
Noong Marso 23, 2016, biglang pinatigil ng mga pulis sa Gakh ang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Kristo—ang pinakasagradong okasyon bawat taon para sa mga Saksi ni Jehova. Ginaganap ito sa isang pribadong bahay nang dumating ang mga pulis at nagpakita ng sinasabing court order na nagbibigay raw ng awtorisasyon para maghalughog. Kinumpiska nila ang personal na mga kopya ng relihiyosong publikasyon, kasama na ang mga Bibliya. Dinala nila sa istasyon ng pulis ang lahat ng dumalo, nagsagawa ng interogasyon, at inutusan ang mga ito na sumulat ng mga salaysay. Pinalaya ang lahat ng dumalo matapos gawan ng mga pulis ang anim na lalaking Saksi ng mga protokol, na maaaring umakay para makasuhan ang mga ito sa ilalim ng Administrative Violations Code.