MAYO 31, 2024
BENIN
Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Wikang Fon
Noong Mayo 26, 2024, ini-release ni Brother Abdiel Worou, miyembro ng Komite ng Sangay sa West Africa, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Fon. Ginanap ito sa isang espesyal na programa sa Assembly Hall sa Abomey, Benin. Ang dumalo sa programa sa mismong venue ay 920 kapatid, at 6,188 naman ang nakapanood nito sa videoconference. Ipinamahagi ang inimprentang mga kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa mga dumalo sa programa. Naging available din ito agad sa audio at digital format.
Di-bababa sa dalawang milyong taong nagsasalita ng Fon ang nakatira sa Benin, kasama na ang mahigit 4,000 kapatid sa 84 na kongregasyon at group na nagsasalita ng Fon. Pagkatapos ng release ng Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo noong 2022, unti-unting naging available ang iba pang aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Fon sa digital format.
Kasama ng ating mga kapatid na nagsasalita ng Fon, nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil available na ang kaniyang Salita sa napakaraming wika para mabasa ito ng lahat ng gustong sumunod sa matatalinong payo nito.—Juan 17:17.