Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 12, 2019
BRAZIL

Gumuho ang Dam sa Brazil

Gumuho ang Dam sa Brazil

Noong Biyernes, Enero 25, 2019, gumuho ang dam ng minahan na nasa siyudad ng Brumadinho, sa estado ng Minas Gerais, Brazil, na nagdulot ng mudslide. Di-kukulangin sa 150 ang namatay, at 182 pa ang nawawala.

May dalawang kongregasyon sa Brumadinho; binubuo ito ng mga 180 Saksi, na karamihan ay nagtatrabaho sa kompanya ng pagmimina. Sampung kapatid ang nagtatrabaho sa dam nang gumuho ito. Siyam ang kumpirmadong hindi nasaktan. Pero nakakalungkot na ang isa sa kanila, na naglilingkod bilang elder, ay nawawala pa rin. Bukod diyan, di-kukulangin sa limang pamilyang Saksi ang kinailangang lumikas, at isang bahay ang nawasak.

Isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Brazil at mga tagapangasiwa ng sirkito sa rehiyong iyon ang dumalaw sa mga biktima para magbigay ng espirituwal na pampatibay at praktikal na tulong. Ipinapanalangin nating patuloy na patibayin at tulungan ng ating Ama sa langit ang mga biktima ng trahedyang ito.—Roma 15:5.