Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Ini-entertain ang mga pumupunta sa jw.org booth. Itaas kanan: Isang sister na bulag at bingi ang nakikipag-usap gamit ang tactile signing. Ibaba kanan: Makikita sa isang interactive display ang audio description para sa mga video sa jw.org

OKTUBRE 5, 2022
BRAZIL

Itinampok ang mga Feature ng JW.ORG sa Trade Fair sa Brazil

Itinampok ang mga Feature ng JW.ORG sa Trade Fair sa Brazil

Mula Setyembre 1 hanggang 4, 2022, inanyayahan ang mga Saksi ni Jehova na makibahagi sa 2022 International Trade Fair on Rehabilitation, Inclusion and Accessibility Technologies (Reatech) na ginanap sa São Paulo, Brazil. Ang Reatech ang pinakamahalagang eksibisyon para sa teknolohiya sa Latin Amerika. Mahigit 46,000 ang dumalo sa event na ito ngayong taon.

Kasama sa fair ang isang booth na inayos ng ating mga kapatid na nagpapakita ng jw.org at ng app na JW Library at JW Library Sign Language. Mayroon itong mga interactive electronic display. Naroon din ang mga kapatid na bulag at may diperensiya sa paningin para ipakita kung paano gagamitin ang website at mga app.

Isang espesyalista na tumutulong sa mga taong may kapansanan ang dumalaw sa booth at nagsabi: “Talagang kahanga-hanga ang isang relihiyosong grupo na tumutulong sa mga taong may pantanging pangangailangan.” Isa pang bisita ang nagsabi: “Napakagandang paraan nito para tulungan ang mga tao na maging bahagi ng lipunan!”

Dumalo rin sa Reatech 2022 ang mga kinatawan mula sa National Organization of the Blind in Brazil (ONCB). Nagsagawa sila ng mga radio broadcast sa panahon ng fair. Sa bawat araw na magbubukas at magtatapos ang fair, iniinterbyu ang mga kapatid na nasa sa booth para sa mga broadcast. Sinabi ng mga kapatid kung paano tinutulungan ng mga Saksi ni Jehova ang mga bulag, may diperensiya sa paningin at bingi hindi lang sa Brazil kundi sa buong mundo. Sinabi ng isang kinatawan ng ONCB sa isang interbyu na nakita niya sa jw.org ang ilan sa pinakamagagandang sign language content.

Dalawang brother na ininterbyu ng National Organization of the Blind sa Brazil

Mula noong sinaunang panahon hanggang sa ngayon, laging nagpapakita si Jehova ng pag-ibig sa mga may pisikal na kapansanan. (Levitico 19:14) Alam natin na natutuwa siyang makita na tinutularan ng mga lingkod niya ang kaniyang pag-ibig. Gustong-gusto na nating dumating ang panahong “madidilat ang mga mata ng bulag, at mabubuksan ang mga tainga ng bingi.”​—Isaias 35:5.