Pumunta sa nilalaman

Ipinapatalastas ni Brother Hamilton Vieira, kasama ang kaniyang interpreter, ang pagre-release ng Bibliya sa Brazilian Sign Language habang pumapalakpak ang mga nanonood

SETYEMBRE 26, 2022
BRAZIL

Makukuha Na Ngayon ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa Brazilian Sign Language

Makukuha Na Ngayon ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa Brazilian Sign Language

Noong Linggo, Setyembre 18, 2022, ipinatalastas ni Brother Hamilton Vieira, miyembro ng Komite ng Sangay sa Brazil, na makukuha na ngayon ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Brazilian Sign Language sa jw.org at sa JW Library Sign Language app. Napanood ng mahigit 36,300 ang programa via streaming mula sa awditoryum ng tanggapang pansangay ng Brazil.

Mga kapatid na nagpapalitrato na ipinapakita ang Bibliya sa Brazilian Sign Language sa kanilang mga gadyet

Ito ang unang kumpletong salin ng Bibliya sa Brazilian Sign Language at ang ikatlong kumpletong Bibliya sa sign language sa buong mundo. Nagsimula ang proyekto ng pagsasalin noong 2006 sa Ebanghelyo ni Mateo. Pagkatapos nito, naging available na rin ang iba pang mga aklat ng Bibliya nang maisalin ang mga ito.

Sinabi ni Angellyca, isang sister na bingi: “Sinubukan kong basahin ang Bibliya sa Portuguese, pero ang hirap maintindihan. Ngayon, gamit ang Bibliya sa Brazilian Sign Language, naiintindihan ko na ito at parang nandoon ako sa mga pangyayari!”

Ang mga miyembro ng translation team sa Brazilian Sign Language na nagrerekord sa kanilang studio

Noong 1982, itinatag ng mga Saksi ni Jehova ang unang sign-language congregation sa Rio de Janeiro. Ngayon, mga 9,500 Saksi ni Jehova ang naglilingkod sa 246 na Brazilian Sign Language congregation, 337 group, at 63 pregroup.

Ipinapakita ng pagre-release ng Bibliyang ito na mahal ni Jehova ang mga kapatid nating bingi. Ipanalangin natin na makatulong ang mahalagang regalong ito para mas marami pang tao ang matuto tungkol kay Jehova at sa kaniyang Anak at masumpungan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.—Juan 17:3.