PEBRERO 23, 2022
BRAZIL
Malalakas na Pag-ulan at mga Mudslide, Pininsala ang Bulubunduking Lunsod sa Brazil
Noong Pebrero 15, 2022, pininsala ng malalakas na buhos ng ulan at mga mudslide ang bulubunduking lunsod ng Petrópolis sa estado ng Rio de Janeiro, Brazil. Sinira nito ang mga bahay at pininsala ang mga negosyo. Isang napakataas na rekord na 26 na sentimetro ng ulan ang bumuhos sa loob ng 24 na oras.
Epekto sa mga Kapatid
1 brother ang malubhang nasugatan at dinala sa ospital. Nakakalungkot, tinangay ng mudslide ang 2 years old niyang anak na lalaki at namatay
1 pang brother ang namatay
86 na kapatid ang lumikas
2 bahay ang nawasak
15 bahay ang matinding napinsala
2 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Inaasikaso ng tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ng kongregasyon ang paglalaan ng pagkain, tubig, at damit, at pinapatibay ang naapektuhang mga kapatid gamit ang Bibliya
Pansamantalang tumutuloy ang nagsilikas na mga kapatid sa kanilang mga kamag-anak o sa ibang kapamilyang Saksi
Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19
Habang ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid na naapektuhan ng sakunang ito, alam natin na ‘aaliwin at patatatagin ni Jehova ang kanilang mga puso,’ lalo na ang mga namatayan ng mga mahal sa buhay.—2 Tesalonica 2:16, 17.