Pumunta sa nilalaman

ENERO 4, 2022
BRAZIL

Northeast Brazil, Binaha Dahil sa Malakas na Bagyo

Northeast Brazil, Binaha Dahil sa Malakas na Bagyo

Mula Disyembre 24 hanggang 26, 2021, binayo ng malakas na bagyo ang Bahia State, Brazil, na nakaapekto sa mahigit 640,000 katao. Dahil sa pagbaha, nasira ang mga dam kaya binaha at hindi mapuntahan ang ilang lunsod.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang nasaktan sa mga kapatid

  • 273 kapatid ang lumikas

  • 109 na bahay ang bahagyang nasira

  • 3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee (DRC) ang inatasang maglaan ng tubig, pagkain, at damit

  • Pansamantalang nakituloy sa mga kamag-anak o sa ibang kapatid ang lumikas

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19

Sinabi ni Brother Marcelo Ambrósio, na naglilingkod sa DRC: “Napatibay kami nang husto na makita ang pag-ibig ng mga kapatid at lalo kaming naging determinado na higit pang paglingkuran si Jehova.”

Alam natin na magiging “ligtas na kanlungan” si Jehova para sa ating mga kapatid na naapektuhan ng mga bagyo.​—Awit 9:9.