Pumunta sa nilalaman

Ang Assembly Hall sa Recife City, Pernambuco State, Brazil, na matinding napinsala

HUNYO 10, 2022
BRAZIL

Pininsala ng Pagbaha at Pagguho ng Lupa ang Brazil

Pininsala ng Pagbaha at Pagguho ng Lupa ang Brazil

Dahil sa matinding buhos ng ulan, bumaha at gumuho ang lupa sa hilagang-silangan ng Brazil mula Mayo 25, 2022. Ang mga bayan ng Alagoas at Pernambuco ang pinakamatinding naapektuhan, kung saan 42 bayan ang nagdeklara ng state of emergency. Mahigit 145,000 tao ang lumikas, at di-kukulanging 129 ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid ang namatay

  • 3 mamamahayag ang bahagyang nasugatan

  • 280 bahay ang bahagyang napinsala

  • 22 bahay ang matinding napinsala

  • 23 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 1 Assembly Hall ang matinding napinsala

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee ang naglalaan ng pangangailangan at kaaliwan mula sa Bibliya sa mahigit 600 mamamahayag

  • Sinusunod ng lahat ng nasa relief work ang mga tagubilin sa safety para sa COVID-19

Dalangin natin na ‘patuloy na kumuha ang mga kapatid natin ng lakas sa Panginoon’ habang tinitiis ang epekto ng likas na sakunang ito.—Efeso 6:10.