HULYO 18, 2019
BRAZIL
São Paulo, Brazil—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hulyo 12-14, 2019
Lokasyon: São Paulo Expo sa São Paulo, Brazil
Wika ng Programa: Brazilian Sign Language, English, French, Italian, Portuguese, Spanish
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 36,624
Bilang ng Nabautismuhan: 291
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 7,000
Mga Sangay na Imbitado: Angola, Argentina, Belgium, Czech-Slovak, France, Italy, Mozambique, Portugal, Scandinavia, Suriname, Trinidad and Tobago, United States, Venezuela
Karanasan: Sinalubong ng communication director ng São Paulo Zoo na si Mrs. Maria Luiza Gonçalves ang mga delegado at sinabi: “Marami na kaming naging event dito sa zoo. Sa dami ng turistang bumibisita rito taon-taon, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking grupo na palakaibigan at organisado. Napakamapagmahal ninyo! Kitang-kita namin ang pag-ibig ninyo sa pagyakap at pakikitungo ninyo sa isa’t isa, pati na sa mga kanta ninyo.”
Lokal na mga kapatid na sumasalubong sa mga delegado sa São Paulo Guarulhos International Airport
Apat na brother mula sa São Paulo at tanggapang pansangay ng Brazil ang nasa isang press conference para ipaalam sa publiko ang tungkol sa internasyonal na kombensiyon
Mga delegadong nangangaral sa São Paulo kasama ang lokal na mga kapatid
Mga delegado sa labas ng pinagdarausan ng kombensiyon sa unang araw ng kombensiyon
Mga kapatid na nagnonota habang sesyon
Si Brother Samuel Herd, miyembro ng Lupong Tagapamahala, habang ibinibigay ang huling pahayag sa programa ng Biyernes
Mga brother na nagbabautismo sa kombensiyon noong Sabado ng hapon
Mga sister na nag-i-interpret ng programa gamit ang tactile signing para sa mga dumalong pipi at bulag
Mga delegado na nagpapa-picture sa labas ng pinagdarausan ng kombensiyon
Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa mga dumalo sa pagtatapos ng sesyon ng Linggo