Mahahalagang Pangyayari sa Bulgaria
MAYO 19, 2004—Tinanggap ng ECHR ang isang kasunduan sa kaso ng Lotter and Lotter v. Bulgaria; pinagtibay ng gobyerno ang legal na karapatan ng mga Saksi na isagawa ang kanilang relihiyon at ipahayag ang kanilang pananampalataya nang walang paghadlang
ABRIL 16, 2003—Kinilala ng gobyerno ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo bilang official holiday para sa mga Saksi ni Jehova at pinahintulutan silang hindi pumasok sa trabaho sa araw na iyon
MARSO 6, 2003—Ang mga Saksi ni Jehova ay muling inirehistro sa ilalim ng bagong Law for Religious Denominations
MAYO 3, 2001—Tinanggap ng ECHR ang isang kasunduan sa kaso ng isang Saksi ni Jehova (Stefanov v. Bulgaria); ang gobyerno ay nagbigay ng amnestiya sa mga tumangging maglingkod sa militar dahil sa konsensiya na handang magsagawa ng alternative civilian service
OKTUBRE 7, 1998—Ang mga Saksi ni Jehova ay opisyal na inirehistro sa Bulgaria
MARSO 9, 1998—Bilang bahagi ng kasunduan na tinanggap ng European Commission of Human Rights (European Court of Human Rights [ECHR] ngayon), sumang-ayon ang gobyerno ng Bulgaria na irehistro ang mga Saksi ni Jehova bilang isang relihiyon
1994—Pinawalang-bisa ng Bulgaria ang rehistro ng mga Saksi ni Jehova pagkatapos ipasa ang isang mahigpit na batas tungkol sa relihiyon
MAYO 7, 1992—Ang Bulgaria ay naging ika-26 sa mga bansang miyembro ng Council of Europe
HULYO 17, 1991—Opisyal na inirehistro ng Estado ang legal na korporasyon ng mga Saksi, ang Christian Association of Jehovah’s Witnesses
1944-1990—Sa ilalim ng pamamahalang Komunista, ipinagbawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova
MAYO 6, 1938—Legal na kinilala ang mga Saksi ni Jehova
1888—Kauna-unahang ulat tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa Bulgaria