Pumunta sa nilalaman

MAYO 1, 2018
BALITA SA BUONG DAIGDIG

2018 Taunang Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na Magsisimula sa Mayo

2018 Taunang Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na Magsisimula sa Mayo

NEW YORK—Sisimulan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang serye ng taunang kombensiyon sa Biyernes, Mayo 18, 2018. Ang tema ng serye sa taóng ito ay “Magpakalakas-Loob”! Bago ang kombensiyong ito, ang mga Saksi sa buong mundo ay makikibahagi sa pambuong-daigdig na kampanya para imbitahan ang publiko na dumalo sa programa nang walang bayad. Ang mga kombensiyon ay idaraos sa 180 bansa.

Ang tatlong-araw na programa ay mayroong 54 na presentasyon na may mga pahayag, audio drama, interbyu, at maiikling video. Mapapanood din sa huling araw ng kombensiyon ang drama na pinamagatang Ang Kuwento ni Jonas—Aral Tungkol sa Lakas ng Loob at Awa. Bawat araw, ang mga sesyon sa umaga at hapon ay magsisimula sa pamamagitan ng mga music video na inihanda para sa kombensiyon.

Sinabi ni David A. Semonian, isang tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova: “Kapag nanood ka ng balita ngayon, makikita mo na ang mga tao ay mas napapaharap sa mga kabalisahan at takot kaysa noon. Kailangan ng lakas ng loob para maharap ang mga ito. Inaanyayahan namin ang lahat na dumalo sa kombensiyon sa taóng ito para makinabang sa praktikal na payo na nasa Bibliya.”

Ang mga petsa at lokasyon para sa bawat kombensiyon ay makikita sa opisyal na website ng mga Saksi, ang jw.org/tl.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000