Pumunta sa nilalaman

MAYO 25, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus, Sinimulan Na

Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus, Sinimulan Na

Matapos ang tatlong taon ng pagpaplano, paghahanda, at taimtim na pananalangin, sinimulan nang gawin ang seryeng Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus noong Biyernes, Mayo 20, 2022. Masayang-masaya ang team ng mga kapatid mula sa iba’t ibang bansa na nasa Australia para sa proyektong ito. Naroon sa okasyon si Brother Geoffrey Jackson ng Lupong Tagapamahala. Sinabi niya: “Nakakatuwang makita ang pananabik ng lahat para sa tinatayang 1,000-minutong video tungkol sa buhay ni Jesus. Tatagos ito sa puso at isip ng milyon-milyon.”