Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 30, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Bagong Appearance Settings, Available Na sa JW.ORG

Bagong Appearance Settings, Available Na sa JW.ORG

Magugustuhan ng marami ang bagong feature na ito. Makakapili ka na kung gusto mo ng light o dark appearance.

Sa dark appearance setting (tinatawag din na dark mode o night mode), puti ang text at dark ang background. Gusto ng ilan ang setting na ito kasi hindi masyadong maliwanag ang screen. Hindi gaanong mahihirapan ang mata, lalo na sa gabi o sa iba pang madilim na kapaligiran. Nakakatulong din ito sa mga malabo ang mata o sensitibo sa liwanag.

Para makita ang mapagpipiliang appearance, i-scroll sa ibaba ng pahina at i-click ang Appearance Settings button. Panatilihin ang setting na System kung gusto mong sundin ng jw.org ang settings ng gadyet mo. O piliin ang Light o Dark kung gusto mong gamitin palagi ng jw.org ang setting na iyon.

Hindi pa available sa JW Library app ang opsiyon na ito, pero malapit na rin itong idagdag. Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa patuloy na pagpapasulong sa ginagamit nating tool para makakuha tayo ng saganang espirituwal na pagkain.