PEBRERO 19, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Bagong Feature sa JW Library Sign Language App
May napakagandang feature ang Version 4 ng JW Library Sign Language app, na inilabas noong Pebrero 15, 2020. Sa isang click o tap lang, mabubuksan na ang mga reperensiya, kaya mas madali nang mag-research at makapaghanda para sa pulong.
Sa JW Library app, habang may binabasa kang materyal, puwede mong i-click ang isang teksto sa Bibliya o iba pang reperensiya. Pagkatapos, madali mo pa ring mababalikan ang materyal na binabasa mo. Pero sa dating version ng JW Library Sign Language app, walang feature para madaling puntahan ang mga reperensiya ng isang video.
Sa Version 4 ng JW Library Sign Language app, may link na ang mga nakalistang reperensiya. Sa isang tap lang, mabubuksan na ang mga reperensiya, at madali lang bumalik sa unang video na pinapanood mo.
Panoorin kung gaano kadaling buksan ang materyal para sa pulong sa gitnang sanlinggo
Sigurado kaming makikinabang sa bagong feature na ito ang mga kapatid na gumagamit ng mga publikasyon sa sign language. Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa mga paglalaang ito na nakakatulong para mapalapít tayo sa kaniya.—Awit 119:97.
Ang “ahas” sa Genesis 3:1 ay naka-link sa Apocalipsis 20:2, kaya madaling makita kung sino ang “orihinal na ahas”